Hindi si Piolo Pascual, kundi isang sikat na aktor ang lilipat sa TV5

HINDI namin alam kung nagbibiro si Piolo Pascual nang napanood namin ang kanyang panayam sa Juicy noong Lunes o totoong hindi niya alam ang kinatatayuan ng TV5 sa Novaliches.

May balitang nakita siyang dumalaw sa nasabing estasyon para bisitahin ang kanyang mga kaibigan na may ginagawang proyekto sa nasabing network tulad ni Direk Joyce Bernal in particular.

Pinabulaan naman ito ng aktor dahil hanggang ngayon ay intact pa rin umano ang kanyang loyalty sa ABS-CBN at nilinaw nito na nakakontrata pa rin siya sa kanyang home studio.

Imposible umanong may balak siyang mag-ober da bakod dahil may on-going siyang teleserye hanggang ngayon at may gagawin pa itong pelikula na kasama si Kim Chiu. Kaya lang, malakas ang bulong-bulungang na nagparamdam umano ang aktor sa mga executive ng network sa pamamagitan ng kanyang mga kaibigan. Ang nakakalokah, napakataas ang hinihinging talent fee nito kapalit ng kanyang paglipat.  May mga haka-haka na kaya nag-iingay ngayon ang kampo ng aktor ay para dagdagan ang kanyang talent fee sa mga pelikulang gagawin nito, teleserye, concerts at product endorsements.

Noong Lunes ay pinabulaanan ni Cristy Fermin sa Juicy, ang nasabing paglipat ng aktor at pinabulaanan din nito ang hinihingi ng aktor na mas mataas pa sa talent fee na tinatanggap ni Willie Revillame.  Ang tiniyak nito ay hindi si Piolo ang lilipat kundi isang dating sikat na aktor na isa sa mga araw na ito ay makakasalubong sa hallway ng TV5.

JOANNE QUINTAS, KINA-CAREER ANG PAGIGING ORDINARYONG MAKE-UP ARTIST

Kina-career na talaga ni Joanne Quintas ang pagiging make-up artist nito dahil siya ang nagme-make-up sa mga bida ng Beauty Queen.  Sa taping na ginanap sa may Intramuros ay abalang-abala ito sa pagme-make-up pero may tsika na ordinaryong staff ang turing sa kanya.

Hindi iniisip ng ibang staff na minsan ay naging kinatawan din siya sa isang beauty contest sa ibang bansa dahil kung tratuhin siya ay para na lang ordinaryong make-up artist na minamanduhan, gawin ito at gawin yun.

Napansin naming nag-enjoy naman ang aktres sa kanyang ginagawa at dapat nga niya itong ipagpapasalamat dahil mayroon siyang fall back ngayon hindi na siya in-demand sa pag-arte.  Napag-alaman namin na sa kanya nakasalalay na maiwasang magkakamukha ang mga bidang babae sa pamamagitang ng kanyang supervision sa make-up ng bawa’t bida.

Isang napakalaking eksena ang aming nasalihan bilang isang reporter at kaeksena pa namin sina Katrina Halili at TJ Trinidad.  Hindi pa rin nagbago ang kagandahan ni Katrina at guwapo pa rin si TJ sa kanyang suot na coat and tie.  Ayon sa kanya, may sisimulang siyang isang malaking proyekto sa susunod na taon pero hindi pa nito puwedeng ilantad.  Kung sa taping ay naaliw na kami sa aming nakitang mga eksena, tiyak namin na lalo kaming mag-enjoy kapag napanood namin ito sa TV screen na ang balita ay humahataw ito sa rampa. Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply