Holiday sa Pinas nais dagdagan

ISINUSULONG ni Aurora Rep. Juan Edgardo Angara sa Kongreso na aprubahan ang inihain niyang panukalang batas na maideklarang regular holiday ang Lunar New Year o Chinese New Year.

Ayon sa kongresista, ang pagdedeklara sa selebrasyon ng Bagong Taon ng mga Tsino bilang holiday ay makatutulong para lalo pang mapalakas ang pagkakaisa ng mga Pilipino at Chinese.

Iginiit ni Angara na ilang dekada na ring nagsasalo ang mga Pinoy at Chinese sa naturang kultura at tradisyon na ginagawa tuwing Pebrero.

“The Filipino is a rich synthesis of diverse cultures. We have to preserve these rich traditions to promote national unity, and our Chinese brothers and sisters are a big part of what we are as a people,” paliwanag niya.

Sa ngayon, tinatayang mahigit 20 ang araw na nakalistang holiday sa Pilipinas. Ang dami ng holidays sa bansa ay isa sa mga inirereklamo ng mga namumuhan na sinasabing nakasasama sa kalakalan at pagnenegosyo.

Lubha umanong marami ang holidays sa Pilipinas kung ikukumpara sa ibang bansa sa Asya katulad ng Vietnam (9), Singapore (11), at Taiwan (12). (Basahin: ‘Holiday economics’ ni Gloria ‘di gagalawin ni Noynoy)

Ngunit naniniwala si Angara na dapat ideklarang holiday ang Chinese o Lunar New Year para maging pormal ang pagkilala sa matandang kaugalian ng mga Intsik at ng iba pang nasyunalidad na naninirahan na sa Pilipinas.

“This bill seeks to preserve the Chinese tradition of celebrating their New Year by declaring it as a nonworking public holiday in the entire country,” ayon sa mambabatas.

“They have intermarried with Filipinos and raised their children as Filipinos. They put up businesses, provide employment to Filipinos, create more income for us and contribute to the Philippine economy,” idinagdag ni Angara. RT Monitoring

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply