Hollyfield – Williams tuloy sa January 22

WALA na umanong atrasan sa laban ni living legend Evander “The Real Deal” Holyfield sa January 22 sa susunod na taon.

Pinamagatang “Redemption In America: The Journey Begins Now,” ang Pay-Per-View Event ay isasahimpapawid nang live mula sa America’s resort, The Greenbrier’s Colonial Hall, sa White Sulphur Springs, West Virginia.

Idedepensa ni Holyfield (43-10-2, 218 KOs) ang kanyang World Boxing Federation heavyweight title laban kay veteran Sherman “Tank” Williams (34-11-2, 19 KOs) sa isang 12-round main event.

Ayon kay Holyfield, nakahanda na siya sa laban at katunayan ay pinaghahandaan niya nang husto ang bout na ito.

Napag-aralan niya na rin aniya ang estilo ni Sherman na kilalang beterano sa ibabaw ng ring. Gilbert Perdes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply