Sen. Gringo Honasan pasok sa amnestiya

INAMIN ng Malakanyang na kasama si Senador Gregorio Honasan sa listahan ng posibleng mabibigyan ng amnestiya kung hihingin ito ng senador.

Sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Jose Amor Amorado na talagang kasama si Honasan sa listahan dahil ang sakop ng nasabing amnestiya ay mga sundalong kasama sa Oakwood mutiny, Marines Standoff, at Manila Peninsula incident.

Kumbinsido si Amorado na hindi nagkamali ang Office of the Executive Secretary sa pagsusumite ng listahan.

“Again, I will repeat, the lists that were submitted came from the AFP, DND, and from the DOJ,” ayon kay Amorado.

Wala namang balak ang Malakanyang na baguhin ang listahan matapos ipagpaliban ng Senate committee on peace, unification and reconciliation ang pagpapatibay sa inamyendahang amnesty proclamation para kay Sen. Antonio Trillanes IV at iba pang mga nag-aklas na sundalo at pulis noong pamahalaang Arroyo.

Sinabi ng Malakanyang na walang personalan sa pagkakasama ng pangalan ni Honasan sa listahan ng kailangang mag-apply para sa amnestiya.

“Based on the list submitted by the Department of Justice, it is our stand that Sen. Honasan is a possible applicant. Possible meaning he may or may not apply,” anito. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply