Hopkins ready na kay Pascal

NAKAHANDA na si Bernard “The Executioner” Hopkins na harapin si WBC, Ring Magazine at IBO Light Heavyweight Champion Jean Pascal sa kanilang sagupaan sa ring sa December 18 sa Pepsi Coliseum sa Quebec City, Canada.

Si Hopkins na magdiriwang ng kanyang ika-40 kaarawan ay mahaharap sa kanyang pinakamabigat na pagsubok sa kanyang karera.

Sakaling maipanalo ang laban, si Hopkins ay ituturing na isa sa mga boksingero na nakasungkit ng signipikanteng world title kasunod ni “Big” George Foreman na gumiba kay Michael Moorer para sa heavyweight world title noong November 5, 1994.

“The difference between me and Foreman is that most people didn’t think Foreman could do it. He was the underdog of all underdogs when he faced Moorer,” ayon kay Hopkins. “Not only do people think I can win, they think I can win big, and I plan on proving them right.”

Nangako naman si Hopkins na hindi magiging sagabal sa kanyang laban ang edad niya at patutunayan niyang magaling pa rin siya sa mundo. Gilbert Perdes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply