Hornets sinunog ng Heat

TINUPOK ng Miami Heat ang New Orleans, 96-84, upang sindihan ng una ang ika-siyam na sunod na panalo sa pagpapatuloy ng 2010-11 National Basketball Association (NBA) elimination.

Pumutok si Dwyane Wade ng 32 puntos, upang itarak ang ika 30 sunod na top scorer ng kanilang team habang nagdagdag si Chrish Bosh ng 23 pts. at 11 boards.

“This was for us one of the most gratifying wins, because it was a grind-out game,” saad ni Wade. “We were able to stick to it until our time finally came.”

May kartang 18-8 win-loss ang Heat kung saan ay sila ang pang-anim sa NBA history na nakapagtala ng nine straight games.

Nag-ambag din si Heat forward LeBron James ng 20 puntos at pitong assists.

“They do the same thing every night,” wika ni Hornets coach Monty Williams. “Nobody can stop them.”

Habang patuloy na umuusok ang Heat ay patuloy naman ang masamang laro ng Hornets na nalaglag sa 3-9 win-loss card matapos ang 11-1 bentahe sa kanilang unang 12 laban.

May 14-10 panalo-talo ang Hornets kaya naman nais ni Hornets Guard Chris Paul na maputol na ang kanilang lossing streak.

“We need to get a win so we could see how it feels,” sabi ni Paul, na nakapagtala lamang ng 11 points, habang si David West ay may 26 points at 12 rebounds para sa Hornets.

Samantala, sa ibang NBA games results, sinuwag ng Chicago Bulls ang Indiana Pacers, 92-73 habang kinaldag ng Utah Jazz ang Golden State Warriors, 108-95. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply