Hubert Webb, 4 pang akusado inabsuwelto sa Vizconde massacre

MATAPOS ang mahabang panahon na paghihintay sa kaso ng Vizconde massacre, inabsuwelto ng Korte Suprema si Hubert Webb at apat pang kasamahan nitong akusado.

Sa isinagawang en banc session ng mga mahistrado ng Korte Suprema, pito ang bumoto para baligtarin ang naunang desisyon ng Parañaque Regional Trial Court (RTC) at Court of Appeals (CA) na nagko-convict sa mga akusado sa Vizconde massacre.

Apat na mahistrado ang bumoto para katigan ang conviction nina Webb habang apat ang nag-inhibit kabilang na sina Justices Antonio Carpio, Antonio Eduardo Nachura, Mariano del Castillo at Diosdado Peralta.

Bukod kay Webb, inabswelto rin ng Korte Suprema ang iba pang akusado na sina Antonio Lejano, Michael Gatchalian, Hospicio Fernandez, Miguel Rodriguez, Peter Estrada at Gerardo Biong.

Sa isang press conference, sinabi ni Supreme Court Spokesperson at Court Administrator Midas Marquez na hindi napatunayan ng prosekusyon ang kanilang “guilt beyond reasonable doubt”.

Inihayag ni Marquez na isa sa mga naging batayan ng naging desisyon ng Korte Suprema ang aniya’y mga  hindi kapanipaniwala at hindi magkakatugmang testimonya ng pangunahing testigo sa kaso na si Jessica Alfaro.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply