Huli ka! ng mga hulidap pag-ingatan

NAPANSIN ba ninyong nagkalat ang mga kamay ng batas sa Metro Manila?

Kahit saan ngayon ay makakakita ka ng mga taong Metro Manila Development Authority, traffic enforcer ng iba’t ibang lungsod at mga pulis.

Nagsasanib puwersa ang mga ito para umano    ipagtanggol ang mamamayan sa mga kriminal at terorista na mambibiktima sa kanila. Magtutulong-tulong din umano ang mga ito na isaayos ang grabeng trapik na dulot ng Kapaskuhan.

oOo

Maganda, mga Bro, ang dating ng prinsipyo ng pagkakaroon ng sangkaterbang alagad ng batas sa mga lansangan.
Feeling safe ka na, aasahan mo pang hindi laging magkakabuhol-buhol ang trapiko sa iyong paglalakbay.

Pero sa araw lang ito nagaganap kung inyong mapapansin.

Kasi naman, nagdodoble ang bilang ng tao sa Metro Manila sa araw at nagku-quadruplet o nag-ooctuplet ang bilang ng mga sasakyan.

Pagdating ng gabi, halos wala ka nang makitang taong MMDA bukod sa mangilan-ngilan sa EDSA. Ganito rin ang mga traffic enforcer at parak. Kaya naman, umaatake ang mga teroristang kriminal lalo na sa gabi.

Sa trapik naman ay iba ang umaatake, sa gabi man o sa araw. Silang tagabantay mismo ay nagiging bantay salakay.

Kung mapapansin ninyo, mga Bro, yang manghuli nang manghuli ang ginagawa ng marami sa mga ito, lalo na sa mga motorista.

Yun pala, ang kanilang kikitain na komisyon sa bawat tiket na maiisyu nila laban daw sa mga traffic violator ang kanilang binabantayan.

Halimbawa, talagang totoo ang inaamin mismo ni MMDA Chairman Francis Tolentino na dispalinghadong mga traffic light.

Mas mabilis pa sa lundag ng sampung putakte ang pagpapalit ng mga ilaw sa traffic lights at kung mahuhuli ka sa gitna ng crossing ng mga malalaking kalsada, paparahin ka ng mga hinayupak na tagapag-alaga ng trapik.

Hindi pakikinggan ng mga putakteng ito ang reklamo mong sobrang mabilis ang pagpapalit ng mga ilaw kaya sa iyong pagtawid ay mahahagip ka ng red at green light.

Ipinipilit ng mga ito na tama ang mga traffic light at pipilitin kang maglabas ng iyong lisensiya at papeles ng sasakyan saka ka titiketan.

Mga, anak kayo ng kuwago!!!

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply