Ilang lugar sa Metro Manila mawawalan ng tubig

MAWAWALAN ng tubig ang ilang bahagi ng mga Lungsod ng Bulacan, Quezon, Valenzuela at Caloocan mula Disyembre 14 hanggang 15, ayon sa Maynilad.

Ayon sa Maynilad, bunsod ito ng pag-aayos ng mga tubo sa Quezon City upang manatiling maayos ang serbisyo sa West Zone.
Batay sa kanilang advisory na ipinalabas noong Huwebes, nakatakdang mawalan ng tubig sa nasabing lugar mula hapon ng Disyembre 14 hanggang madaling araw ng Disyembre 15.
Gagawin ang 1,400-mm butterfly valve sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa kanto ng Jordan Plains sa Quezon City.
Kabilang sa mga lugar na makakaranas ng kawalan ng tubig ay ang kabuuan ng Valenzuela City, Obando (Bulacan) Water District, Meycauayan Water District.
Mawawalan din ng tubig ang Caloocan City kung saan apektado ang Brgy. Kaybiga, Brgy. Llano, Brgy. Bagbaguin habang sa Quezon City naman apektado ang mga barangay Nagkaisang Nayon, Capri, San Agustin, Novaliches Proper, Sta. Monica, Gulod, Pasong Putik.
Para sa karagdagang impormasyon maaaring tumawag sa kanilang hotline na may numerong 1626.
loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply