Illegal Filipino immigrants, bigong maging US citizens

NANATILING pangarap na lamang sa mga ilegal na Pilipinong immigrant sa Estados Unidos na maging legal ang kanilang pamamalagi sa tinaguaring land of milk and honey.

Ito ay matapos na kamakailang ibinasura ng US Senate ang proposed DREAM Act of 2010 na magbibigay ng pagkakataon sa mga kabataang Pilipino na simulang tumira sa US noong sila’y bata pa ngunit di pa rin citizen ng bansa.

Nitong Martes, ibinalita ng Asian Journal na maraming nanlumong Pilipino sa di pagpasa ng panukala sa Senado.

“The Alliance-Philippines together with the Filipino immigrant community and the Filipino Americans in the United States is one with the immigrant community in its deep found frustrations,” ani Al Garcia ng Alliance for Just and Lasting Peace in the Philippines – US chapter.

“Our kababayans should be recognized for their legitimate contribution to this country instead of having to live in the shadows,” ani Rev. Fr. Ben Alforque, presidente ng National Alliance for Filipino Concerns.

“We must strengthen our efforts to fight for their rights,” dagdag ni Alforque.

Ayon sa ulat ng Asian Journal, nagkulang ng limang boto para maipasa ang panukalang DREAM Act o Development, Relief, And Education for Alien Minors Act nitong Sabado.

Dapat ay umabot ng 60 ang bumoto sa panukala upang masailalim ito sa floor vote sa Senado.

Isang dekada nang nakabinbin ang DREAM Act sa US Legislature.

Umasa ang mga sumuporta sa panukala mula sa Democratic Party na ang huling nangyaring botohan ay ang huling hirit para maipasa ang measure bago makontrol ng Republicans ang US Congress sa Enero.

Pati si President Barack Obama ay nanlumo sa sinapit ng panukala.

“As I said last week, when the House passed the DREAM Act, it is not only the right thing to do for talented young people who seek to serve a country they know as their own, it is the right thing for the United States of America,” ani Obama sa isang pahayag.

“Our nation is enriched by their talents and would benefit from the success of their efforts…There was simply no reason not to pass this important legislation,” dagdag pa niya.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply