Impeachment case vs Corona, ayaw ni PNoy at Miriam

HINDI naniniwala si President Benigno Aquino III na napapanahon na ang panawagang impeachment laban kay Chief Justice Renato Corona.

“Yung paglilitis, sabi na nga ng Supreme Court, umaabot ng anim na taon. Kung lalagyan pa natin yan ng intramurals, yung impeachment, mada-divert iyong atensyon natin, iyong focus natin, ang daming lost opportunities,” ani Aquino sa mga mamamahayag na nagcover ng pagpunta niya sa isang barangay assembly sa Tarlac City nitong weekend.

Imbes ikang mag-focus sa impeachment case, mas makabubuting pag-usapan ng mas malalim at komprehensibo ang mga isyung kinakaharap ng Truth Commission.

Anang Pangulo, puspusan na ang pag-aaral ng kanyang legal team kung paanong mahihikayat ang Korte Suprema na baligtarin nito ang ruling ukol sa pagiging unconstitutional ng komisyon

Maraming grupo ang nagalit at nagbanta ng impeachment laban kay Corona at siyam pang justices ng Korte Suprema matapos nilang ideklarang unconstitutional ang komisyon nitong nakaraang linggo.

Nilikha ni Aquino ang komisyon upang magsiyasat ng mga anomalyang umano’y kinasangkutan ng nakaraang administrasyong Arroyo.

Anang mga kritiko, ang nasabing desisyon nina Corona ay isang political decision na magliligtas kay dating President Gloria Macapagal-Arroyo mula sa accountability.

Mariin din itong tinutulan ni Sen. Miriam Defensor Santiago. “Napakasamang precedent ‘yan… if you impeach the chief justice, or even just make an appeal, you are denigrating the judiciary already.”

Hindi rin naniniwala si Santiago na political ang desisyong ginawa nina Corona.

“You are trying to draw conclusion from what is a presumption of his critics. You presume that he is politically motivated. But motivation is mental. How can you possibly cull into his head and charge him with political motivation?” aniya.

“Even if you raise that issue with objective lawyers, they will tell you that the issue is properly decided in the sense that although the basis is equal protection, nonetheless, the real basis there is the tripartite system of government,” dagdag pa niya. Ernie Reyes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply