Iniwan ng ka-live-in, nagpakamatay

DAHIL sa takot na hindi na balikan ng ka-live-in makaraang iwanan nang mag-away, isang 24-anyos na call center agent ang nagpatiwakal sa Sampaloc Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hinihinalang may ilang oras nang patay ang biktimang si Ron Ian Merza, ng 485 Maganda st., Sampaloc, Manila.

Sa report, dakong 8:30 ng gabi nang madiskubreng patay na ang biktima sa loob ng inuupahang kuwarto.

Ayon kay Maricel Tabelina, live-in partner ng biktima, pag-uwi niya ng kanilang bahay ay bumulaga sa kanya ang kinakasama na nakabitin ang leeg sa kisame ng kanilang kuwarto gamit ang nylon cord.

Inamin ni Tabelina na bago ang pagpapakamatay ng biktima, noong Sabado ng gabi ay nag-away sila at para hindi na lumala ang kanilang away ay nagdesisyon siyang umalis muna.

Nabatid na uminom muna ng beer ang biktima bago nagbigti.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply