Insentibo ng mga titser inilabas na ng DBM

INILABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P5.57 bilyon para sa Performance Enhancement Incentive (PEI) ng mga guro sa bansa.

Tiniyak ni Budget Secretary Florencio “Butch” Abad na buong P10,000 ang ibibigay sa lahat ng 556,971 guro sa ilalim ng Department of Education (DepEd).

Kumpletong ire-release aniya ngayon ang P8-bilyon na bahagi ng pambansang pamahalaan para sa performance bonus ng nasa 1.16 milyong empleyado ng pambansang gobyerno.

“This time around, our teachers will receive their PEI within the Holiday Season, unlike in the past when they received it late,” ang pahayag ni Abad. Kris Jose

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply