Isa pang hostage-taking sa Chinese nationals? (3)

CONSOLIDATED Mines, Inc. as  also asked  the court to order Minera to pay CMI the amount of not less than P50 Million for the use and occupancy of the Coto Mines.

Ito yung kasong tinalakay na natin sa ilang isyung nakararaan na hindi makapagdesisyon nang agaran ang Hukom (kahit na ang kaso’y sakop ng tinatawag na Summary Procedure) dahil mga bigating PULITIKO ng Zambales ang pumapadrino sa mga magka-tunggaling kompanya.

Samakatuwid, ang Minera  ang nakaposisyon sa Coto Mines noong ito’y ni-raid ng grupo ni Dir. Santiago.

Nasakote, diumano, ang mga pinaghihinalaang undocumented Chinese nationals, na  40 pa sa kanila ang pilit daw na pinananatili o hino-hostage roon.

Pinasibat DAW ng “raiding team”  na nasa 120 combined PNP and AFP assault elements aboard several service vehicles, ang mga opisyal ng Minera na nanganga-siwa noon sa Coto Mines premises, at pinatigil ang mining operation doon. Kaya ang alam ng publiko ay walang actual mining operation sa loob ng Coto Mines premises mula pa noong Hulyo, 2010 hanggang sa ngayon.

Dito nga agad umangal ang pamunuan ng Minera, at agad  inireklamo noong Hulyo 29, 2010  sa DILG sina Dir. Santiago, Gob. Ebdane, dating Masinloc Mayor Jessu Edora at ang misis nito na siyang kasalukuyang mayor.

Gayunman, kung sinoman ang  mga  pribado  at  naghahari-hariang  nilalang – kabilang na ang may-ari/pamunuan at mga guwardiya ng  nabanggit na private security agency at KAKUTSABA/CONSPIRATORS  nila –  ang  patuloy  na nagdedetine sa loob ng Coto Mines ng Chinese nationals ay posibleng masangkot/makomplika sa kasong  Kidnapping and Serious Illegal Detention (Art. 267, ibid.)

Pinaiimbestigahan na ni Kal. Jesse Robredo sa National Police Commission. Malinis naman daw ang career record ni Dir. Santiago kaya malamang malusutan  niya ang kasong administratibo.

Wala tayong pakialam sa merito ng pending unlawful detainer case ng mga kompanyang nabanggit  ukol  sa isyung  kung sino  sa kanila ang may right of possession sa Coto Mines premises.

But the continued  UNEXPLAINED detention or HOSTAGING of the undocumented Chinese nationals inside the Coto Mines is a very serious concern of this government, and of every Filipino, on account of its potential serious international repercussions.  It needs not only closure but EXPLANATION.  Pag may masamang mangyari sa mga Intsik na to, tiyak na pulbos na naman ang PNoy  Administration sa pagtuligsa ng  international  community, lalo na ng bansang Tsina na naman!

Dapat nang kumilos ang  Department of Justice/Bureau of Immigration, Department of Interior and Local  Government, Department of Labor and Employment, Department of Energy and Natural Resources/Mines and Geosciences Bureau at Department of Foreign Affairs. Alex Almario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply