ITT event dinomina ni Ramos

DINOMINA ni Merculio Ramos ang 40-kilometer individual time trial (ITT) event ng PhilCycling National Open for Road sa Tagaytay City.

Si Ramos, isang veteran internationalist at dating national rider, ay nagsumite ng 56 minutes at 59.78 seconds na sapat na upang mangibabaw sa ITT na nagsimula at natapos sa Balayan, Batangas.

Lamang siya ng 35.91 seconds kumpara kay second-placer Lloyd Reynante na nakompleto ang nakaraang 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Samantala, si Tomas Martinez naman ay kuminang sa two-day Open na inorganisa ng PhilCycling president.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply