Jacky Woo, naghahanap ng leading lady para sa hollywood movie

PINATUNAYAN ni Jacky Woo na may pusong Pinoy talaga siya nang ipinaglaban niyang dito sa mga matulaing lugar sa Pinas kukunan ang susunod niyang Hollywood movie, ang “Temple of Kali”, isang action-adventure dahil maraming manggagawang PInoy sa pelikula na walang trabaho.

Ang “Temple of Kali”  kukunang buo sa Pinas simula sa February next year na tatagal ng isang taon.

As of now, mayroon silang location hunting na angkop sa naturang international movie release.

Ayon sa dalawang producers na sina Jeff Beach (German-Americal national) at Mike Sano na isang Japanese-American descendant, mistulang isang “Romancing the Stone” at “Raiders of the Lost Ark” ang “Temple of Kali”.

Nagkaroon ng auditions para maging leading lady ni Jacky at makakasama sa pelikula.

ROX, 3 SEXBOMB, 3 STARSTRUCK ALUMNAE NAGPA-AUDITION PARA SA MOVIE NI JACKY

Ilan sa aming namataan ay ang Sexbomb girls tulad nina Izzy Tirazona, Che Che Tolentino at Sunshine Garcia.

Nariyan din ang Starstruck 5 alumnae na sina Diva, Rox at Nina. Nagpa-audition din si Art Angel host na si Roxanne Barcelo at ang alaga ni katotong John Fontanilla na si Rhin Escano.

Walang hininging talent fee sa multi-million peso production si Jacky Woo dahil co-produceer siya at nais lang talaga niya mabibigyan trabaho ang ilang kasamahan niyang local actors.

Ani pa ng  mga dayuhang producer, wala pa silang foreign director na nakukuha pero ang second unit director nito ay isang Pinoy.

Samantala, bukod kay Jacky kasabay nito sa Walk of Fame ay sina Boy Abunda, Diether Ocampo, Jericho Rosales, Mel Tiangco, Mike Enriquez, Che Che Lazaro, Korina Sanchez, Perla Bautista, Bella Flores, Kim Chiu, Geralds Anderson, Imelda Papin, Claire dela Fuente, Eva Eugenio, Manilyn Reynes, Coco Martin, Sylvia La Torre, Noli de Castro, Paeng Nepomuceno, Julie Vega at iba pa.

Kaya nga, iniintriga si German Moreno o Kuya Germs sa pagluklok sa isang dayuhan pero may pusong Pinoy, Sa mga hindi nakakaalam, actor/philanthropist na si Jacky Woo bilang isa sa mga sikat na personalidad sa radio, entablado, telebisyon at pelikula sa Walk of Fame na ginaganap tuwing Disyembre 1 taun-taon sa Eastwood Libis, Quezon City.

Ayon kay Kuya Germs,  sa mga bumabatikos kay Jacky Woo, alamin muna nila sa ginawa ng kapwa Pinoy sa kapwa niya Filipino, hindi katulad ni Jacky na ‘di Pinoy pero may pusong Pinoy. ‘Yung ginagawa niyang pagtulong sa Filipino.

‘Yung mga paggawa niya ng pelikula rito at pagtulong sa ating local actors bihira gawin ng mga foreign actor and producer.

Yes, bukod sa paggawa ng pelikula dito sa Pinas, may  pinagawang school building ang Japanese actor sa ilang bahagi ng Luzon.

Dagdag pa, malaki ang kontribusyon ni Jacky sa movie industry. Kahit nalugi at niloloko ng ilan sa paggawa ng pelikula tuloy pa rin ang pagtulong sa Philippine movie industry.

NIKKI VALDEZ MATAGAL NANG HIWALAY SA MISTER

Inamin ni Nikki Valdez  sa presscon ng “Ang Tanging Ina Mo” (Last na’ ‘to) na mayru’n silang differences ng ama ng kanyang  anak.

Sinabi nito, kung noon ay itinatanggi pa, ngayon ay inamin na ng aktres na noong isang taon pa sila naghiwalay ng kaniyang mister na nakabase sa Canada.

Dagdag pa nito, noong umuwi siya ng Pilipinas noong nakaraang taon ay hiwalay na sila. Ang aktres mismo ang nakipaghiwalay.

Inamin din ni Nikki na hindi pa siya handa  na magsampa ng legal action sa kanilang paghihiwalay pero nakausap na niya ang kanyang abogado.

Ang “Ang Tanging Ina Mo” (Last na ‘to)’ ay  pinangungunahan ni Ai Ai delas Alas kasama si Eugene Domingo at kasama  rin ang 11 ‘anak’ niya sa pelikula.

Ang huling “Ang Tanging Ina” series ay official entry sa Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25. Sa direksyon ni Wenn Deramas. Joe Cezar

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply