‘Jaguars’ ni Pacman nireklamo ng media

INIREKLAMO ng mga miyembro ng media ang ilang close-in bodyguard ni Sarangani Rep. Manny “Pacman” Pacquiao dahil umano sa paniniko at pagmumura sa kanila habang kino-cover ang isang insidente.

Inatasan ni Speaker Feliciano Belmonte si House sergeant-at-srms (ret.) Gen. Nicasio Radovan na siyasatin ang naturang insidente na naganap mismo sa tanggapan ni Pacquiao sa ikaapat na palapag ng South Wing Annex sa Batasan Complex.

Kamakalawa ay nagtungo sa tanggapan ni Pacquiao ang mga reporter upang i-cover ang istorya tungkol sa paghuli ng National Bureau of Investigation (NBI) kina Anthony Musso, Edward Gutierrez at Nora Llaniguez dahil paggamit nang walang pahintulot sa pangalan ni Pacquiao sa kanilang media campaign upang mangalap umano ng pondo.

Ang reporter ng IBC-13 na si Dave Llavanes at mga cameramen na sina Noel Añonuevo ng ABS-CBN at Kenneth Escala ng UNTV ang nakasagutan at minura ng umano’y miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na naka-detail sa kongresista.

Ikinuwento ni Llavanes na matapos siyang sikuhin ng tatlong beses at murahin ng isang miyembro ng PSG ay nilapitan pa siya nito hindi upang humingi ng paumanhin ngunit upang sabihan siya ng: “Bakit ang tapang mo?”

Nang sagutin umano ito ni Llavanes sa PSG ng, “Bakit mo ako minumura hindi naman ikaw ang nagpapasweldo sa akin?” ay umasta itong bubunot ng baril.

“Iyong ma-siko ka at maitulak sa panahon ng coverage ay hindi na bago para sa mga katulad nating journalists subalit ang hindi katanggap-tanggap ay iyong murahin ka sa harap ng marami,” giit ni Llavanes.  Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply