James Yap, natutulog pa rin sa bahay nila Kris Aquino

BALIK na ang horror queen! Pagkatapos ng box-office hits na “Fengshui” at “Sukob”, nandito na ulit si Kris Aquino sa “Dalaw”, MMFF entry ng Star Cinema.

“Realistic ako, alam kong hindi naming kayang maging topgrosser dahil nandiyan ang entry nina Vic at Bong.

Tapos nandyan pa ‘yung movie ni Ai-Ai. Kaya I would settle for third. Wish ko sana maka-more than P100M ang kikitain ng ‘Dalaw’. Kasi P350M combined earning ng Fengshui at Sukod dati.

“Hindi na rin ako nag-aambisyon na manalo bilang best actress kasi siguradong babatikusin lang ang pamilya ko kung ako ang manalo kasi alam naman ng lahat na appointed ni PNoy ang bagong MMDA chairman.

Kaya huwag na. Ni-request ko lang ang presence ni PNoy sa premiere night ng movie namin sa Trinoma bilang support sa akin,”pahayag ni Kris.

May kissing scene sila ni Diether Ocampo sa movie.

“Yes, pumayag na ako alang-alang sa movie. At saka I could do kissing scenes now kasi nga hiwalay na ako sa asawa ko. When I was still married, bawal talaga ‘yan.

“Unfortunately may isa pang intimate scene kaming gagawin ni Diet pero nasa Australia siya ngayon. So I asked James to stand in for Diet.

Sabi ko sa kanya, kesa sa iba pa ang yayakapin ko sa eksena, it might as well be you. Pumayag naman siya kaagad. Biniro pa niya ako na kesyo miss ko lang daw siya kaya siya ang niyaya ko to do the scene. Likod lang naman niya ang makukunan sa eksena.

“Okey na kami ni James ngayon. We go through stages naman when we break up sa isang relationship. Nandiyan ang denial stage, anger stage pero ngayon nasa acceptance level na kami. Wala na akong galit kay James.

Tanggap ko na ang nangyari sa amin. Kaya pwede na kaming maging magkaibigan. Pero hindi ko na talaga siya mahal. Otherwise, nagkabalikan na sana kami.

“Minsan nagre-request si Bimbee na dun matulog Papa niya sa house so wala kaming magawa ni James kungdi pagbigyan ang anak namin. James has already slept three times sa house since we got separated. Silang dalawa ni Bimbee ang magkatabi sa kwarto namin at I slept sa dressing room ko sa isang folding bed. I guess pwede pa namang matulog si James sa house kasi conjugal house pa rin namin ‘yun,” kwento ni Kris.

***

Ngayon alam na namin kung bakit lalo pang pumuputi si Jennylyn Mercado. Siya pala ang celebrity endorser ng Hikari Whitening & Anti-Aging Soap na imported pa from Japan. Kaya naman naka-Japanese outfit pa si Jennylyn nang pumunta siya sa prescon ng Hikari. Ang distributor ng Hikari ay ang Optimum MarketStrat International nina Mayeth Acuna at ng aktor na si Andrew Wolff.

Tinanong naming si Jennylyn kung ano ang Christmas wish niya? Nagwi-wish ba siya na manalo siya bilang best actress sa darating na MMFF awards night. Matunog kasi na hahakot ng awards ang kanilang pelikula.

“Naku ayokong mag-expect. Ang dami kong mga kalaban for best actress.

Kung ibibigay sa akin ang award e malaking pasasalamat ko. Kasi pinaghirapan din naming gawin ang movie.

“Anyway, ang talagang Christmas wish ko e peace of mind, good health para sa akin at sa family ko. Madalas nga akong magkasakit lately dahil nga sa puso ko. Kung may sakit ako e magkahiwalay kami ng room ni Alex Jazz. Tinitiis ko talagang hindi kami magkatabi sa bed kasi ayoko siyang mahawaan ng flu.

“Ang gusto kong Christmas gift mula kay Dennis? Wala akong maisip e. Wala kasi akong material na bagay na gustong makamit ngayong Pasko. Siguro wish ko lang na hindi siya magbabago at patuloy siyang maging mapagmahal at responsible. First Christmas namin itong dalawa kaya special,”pahayag ni Jennylyn. Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply