Jazz natupok sa Heat, 111-98

KUMAMADA si LeBron James ng 33 points at dumagdag si Dwyane Wade ng 28 upang pangunahan ang Miami Heat sa kanilang pang-anim na sunod-sunod na panalo matapos ilampaso ang Utah Jazz, 111-98, kahapon.

Tumabo rin si James ng nine assists at seven rebounds para sa Heat na nag-imprub sa win-loss slate na 15-8 overall at isang larong huli sa Orlando upang maagaw ang pangunguna sa Southeast division.

Dumagdag si Zydrunas Ilgasuskas ng 16 points at 10 rebounds para sa Heat na tumalo sa Utah squad na humabol pa ng 21-point sa third quarter.

Umiskor si Al Jefferson ng 25 points at sumungkit ng 11 rebounds samantalang si Deron Williams ay bumuslo ng 21 points at 12 assists para sa  Utah na may ambag rin na 18 points mula kay Paul Millsap.

Nalaglag ang Jazz sa 16-7, isang game na lamang sa Oklahoma City sa Southwest division.
Binuksan ng Miami ang fourth quarter sa pamamagitan ng  12-3 run upang maitipa ang 89-80 lead. Hindi na nila pinayagan ng Miami na makaporma ang Jazz sa 4th quarter.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply