Jeffrey Quizon, Bayani Agbayani at Alessandra de Rossi sa Taiwanese Film

NABIGYAN ng pagkakataon ang mga kababayan nating bituin na makalabas sa produksyon ng isang Taiwanese producer at napakaganda ng resulta.

Nang dahil dito ay ang pelikulang “Pinoy Sunday” ang nagbukas ng ika-12 Cinemanila International Film Festival sa Robinsons Galleria kamakailan.

Starring sa obra sina Jeffrey Quizon, Meryll Soriano, Alessandra de Rossi at Bayani Agbayani.

Yes, si Bayani Agbayani, sino pa?

Kahit nakilalang komedyante si Bayani sa Pilipinas, pumuwede siya sa isang banyagang pelikula na ang diyalogo rin naman ay Filipino at English na may subtitles na kung anumang wika na akma sa mga manonood—‘yon man ay Intsik, Italyano, Aleman at iba pa.

Ang “Pinoy Sunday” ay kuwento ng mga Overseas Filipino Wokers sa Taiwan na nakakita ng isang sofa sa Taipei na sumisimbolo sa paghahangad ng mga ito na makapag-akma ng buhay kung nasaan man silang lupalop ng mundo.

***

Hindi lang isang ordinaryong pelikula ang pelikula kundi premyado pa sa 2010 Taipei International Film Festival.

Ginawaran ito ng Festival Award for Narrative Feature na ikinagalak ng direktor na si Wi Ding Ho.

At si Jeffrey ang unang nagmamalaki sa kanyang trabaho rito kaya naman todo ang kanyang suporta kay Ho.

Alam na naman ninyo ang pagmamahal ni Quizon sa independent o indie filmmaking.

Tunay kasing alagad ng sining si Epi kaya nauunawaan niya ang mga rikotitos ng paggawa ng isang pelikula, indie man o hindi o yaong mahal ang kostas ng produksyon.

***

Ayon kay Tikoy Aguiluz na siyang may pasimuno ng Cinemanila, mas maraming pelikulang Filipino ngayong nakasalang sa iba’t ibang kategorya ng kanyang pestibal.

Pati ang pelikula nina Iza Calzado, Maria Isabel Lopez, Jake Cuenca, Mara Yokohama, IC Mendoza, Candy Pangilinan, Abby Cruz at iba pa na “HIV (Si Heidi, si Ivy at si Vi…)” ni Neal “Buboy” Tan ay nakalinya sa pagtatanghal kaya tuwang-tuwa si Maria Isabel na nabigyan ng karangalan ang kanyang likhang-sining bilang line producer.

Ang isa pang nilabasan ni Lopez, ang “Halaw” ni Sheron Dayoc ay kasama sa Cinemanila.

Kaya bonggang-bongga ang seksing aktres dahil umuola siya sa pestibal ni Tikoy.

Pagsaludo rin sa industriya ng pelikulang Koreano ang2010  Cinemanila dahil pagkarami-raming pelikulang Koreano na palabas rito.

***

Samantala, sinabi naman ng Koreyanang film studies professor sa Beijing University sa Beijing, China na si Cho, Pock-rey na baka sa isang taon ay makapasyal siya sa Pilipinas upang masaksihan ang mga film festival rito o kahit na ang international film festival ni Aguiluz.

International Business Department Supervisor ng Chungreorham Film si Cho at isang programmer ng Pusan International Film Festival.

Kung wala sa Korea ay nasa China siya para magturo ng showbiz sa Beijing.

O kaya naman ay nasa kung saan-saan siyang pestibal sa buong mundo at nakikipagsosyalan sa mga artista at filmmaker kabilang ang mga prodyuser ng iba’t ibang pelikula sa daigdig.

Nakilala namin si Pock-rey nang maging hurado siya sa 1st Festival of Photos, Documentary Films and Reportage on ASEAN countries and people, Vietnam 2010 sa Hanoi, Vietnam at mataas anya ang kanyang ibinigay na puntos sa aming showbiz documentary na “Dumagat” na nagwagi ng pampalubag-loob na gantimpala mula sa timpalak.

“But the other jurors didn’t like your film,” pagtatapat ni Cho.

Na okey lang sa amin dahil alam naming marami pa kaming kakaning bigas sa paggawa ng bidyo bagamat marami na kaming nilikhang mga istoryang panshowbiz sa TV entertainment news. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply