Jennylyn Mercado, Albert Martinez biktima ng bobong jurors sa MMFF?

NARITO ang PR bulletin na ipinadala ng Cinemabuhay sa mga media entities in connection sa kanilang reklamo sa jurors ng Metro Manila Film Festival.

“Cinemabuhay and Studio 5 are not happy with the nomination process,” Banaga said. “The big question here is: “How could the director of a Rated A movie not even get a nomination?  Rosario got highly rated by the Cinema Evaluation Board composed of movie experts… . who were the judges of the filmfest?  And how could the MMFF change their rulings and just announce the top 3 nominees when in the past years all entries had nominations in each category?  When did they change that ruling, overnight lang?  We are not saying Ai Ai is not deserving of the award but how can Jennylyn not be nominated at all?   Hindi ba siya as deserving as Ai Ai? Disappointing!”

Katakut-takot na batikos nga ang tinatanggap ngayon ng katatapos lamang na Metro Manila Film Festival awards night dahil sa choice of nominees ng jurors partikular na sa major categories.

Dalawa sa matitinding kinukuwestiyon ay ang hindi pagkaka-nomina ni Albert Martinez for best director at Jennylyn Mercado for best actress para sa pelikulang Rosario.

Nanalong 2nd best picture ang Rosario kaya kataka-takang hindi man lang nominated si Albert.

Kung napili raw ang nasabing pelikula bilang pangalawang pinakamagaling, logical lang naman siguro na kabilang sa top 3 nominees ang actor-director.

Nakakagulat din ang sudden change sa ruling ng MMFF tungkol sa bilang ng mga nominado.

In the past, ang lahat ng bumubuo ng mga pelikulang kasali sa MMFF, magmula sa technical to minor to major categories, nominadong lahat.

This year, iniba ng komite ang ruling at ginawa na lang na tatlo ang nominado for each category.

Habang ongoing ang MMFF last Sunday night, katakut-takot na ang nabasa naming reklamo sa mga social networking site hingggil sa hindi pagkaka-nomina nina Albert at Jennylyn.

Halos lahat, nagsasabing deserving namang ma-nominate ang dalawa sa mga nasabing kategorya.
Maging si Ai-Ai de las Alas, nanalong best actress, nagpahayag na ang pinakamahigpit niyang kalaban ay si Jen.

Sa Internet websites tuloy ngayon, kinukuwestiyon kung anu-ano ba ang criteria ng jurors para sa nominees.

Sino-sino raw ba ang members ng jury at kung may karapatan ba talagang maging hurado ang mga ito.

May nabasa kaming komento sa Internet na mayroon daw bus driver na member ng jury? We just don’t know kung true ito kaya siguro ay dapat magpakilala ang jurors at ipakita ang kanilang credentials para maipagtanggol ang mga sarili nila.

Samantala, balitang nag-walk-out daw ang fans ni Jennylyn sa awards night nang malamang hindi nominated ang kanilang idolo.

Lumipad na pa-Hong Kong si Jen kasama ang boyfriend na si Dennis Trillo for a much-needed break.

Samantala, kinunan namin ng pahayag ang manager ni Jen na si Becky Aguila hinggil sa hindi pagkaka-nominate ng kanyang talent at heto ang kanyang pahayag:

“As a manager representing an actress such as Jennylyn is already a feather on my cap. I’m excited with the many opportunities coming her way because of Rosario.

“Jen may not have won nor received a nomination but for all those who watched and believed that Jen was really good in the film, thank you.

“Jen really made us proud. The appreciation and compliments of the people who have seen the film is an award of its own. Congrats to Ms. Ai-Ai for bagging the best actress award.”

LANCE RAYMUNDO, KINUWARTAHAN NG MILYONES NG DATING MANAGER?

Nega pala yung tsismis na kaya nagkahiwalay sina Lance Raymundo at ang manager niyang si Charlotte Diangco ay dahil sa malaking perang di umano’y nadispalko ng huli kay Lance.

“Hindi totoo yan. Wala kaming perang pinag-awayan, medyo personal lang ang lahat. Mali naman po yung kaya kami naghiwalay ay dahil sa pera.  Pag tungkol po dun, walang dahilan para kami maghiwalay,” sagot pa ni Lance sa mga reporter.

“Medyo may pagka-personal daw ang dahilan kaya siya umalis sa poder ni Charlotte. Wala naman daw silang kontrata at kesa naman lumala pa yung di nila pagkakaintindihan sa isang personal na problema, mas minabut na ni Lance na lumayo na lang.

Pero di naman daw niya kinakalimutan yung malaking bagay na nagawa ni Charlotte para sa kanyang career.
“Malaki ang utang na loob ko sa kanya. I would remain to be loyal to her, no matter what.”

So there!

***

Naks naman, malayo na talaga ang nararating ng Erase Placenta ni Louie Gamboa. Big time na talaga sila sa showbiz at proof nito ‘yung nakaya nilang maging isa sa major sponsors ng katatapos na awards night ng Metro Manila Films Festival. Yes, si Louie mismo at ang misis niya ang umakyat sa stage para iabot ang premyo para sa Male & Female Star of the Night nitong nakaraang awards night.

Aba, hindi maliit na bagay lang yun. That means na ka-level na talaga ng Erase Placenta at ng UK Derm ang ilang malalaking corporate companies sa bansa.

At dahil dito, asahang lalo pang lalago ang beauty business ni Louie Gamboa. At least, sa latest update, parang  sila ang lumalabas na opisyal Placenta soap ng showbiz. Malayo na sila kung ikukumpara sa iba riyan na tipong fly-by-night lang ang dating.

Anyway, bukod sa beauty business may resort din si Louie Gamboa sa San Simon, Pampanga. UK City ang tawag dito na talaga namang kumpleto sa pasilidad. Hindi kami magtataka kung isang araw, isang malaking showbiz event ang gagawin doon.

Di na talaga mapipiglan ang pag-unlad.

Hindi ba, Gary Sta. Ana? Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply