Jennylyn Mercado, hindi makatulog sa daring secene

KUNG anu-anong papuri ang ibinibigay ng mga nakapanood ng Rosario na pinagbibidahan ni Jennylyn Mercado. Nandoon may nagkakainteres na raw bumili nito para ipalabas sa ibang bansa?

Ang katanungan ay kikita at tatangkilikin ba ito ng Pinoy viewers? Di ba mas maganda na naging blockbuster ito sa takilya bago ipagbunyi na maganda ang naturang Indie Films ?

May nagsabi sa amin na dapat daw kung papayag din lang maghubad ni Jennylyn ay ginawa niya ito sa isang malaking production outfit.

Nagpakita kasi ng skin si Jen sa Rosario na wala talagang daya. Ito ay kuha sa bed scene nila ni Dennis Trillo.

Sabi raw ni Jen, hindi siya nakatulog dahil sa ginawang daring scene. First time raw kasi siyang pumayag maghubad sa pelikula.

Well, sana nga ay kumita ang movie niya para naman masulit ang ginawa niyang paghuhubad.

****

Hindi pa nakapagte-taping si Manny Pacquiao ng Show Me Da Manny dahil hanggang ngayon ay super hectic pa rin ang schedule nito.

Pero nangako naman ang Pambansang Kamao na hindi niya pabayaan ang sitcom na nagwaging Best Comedy Show sa katatapos na 24th Star Award for TV.

Whatever happen daw ay magbibigay siya ng araw para makapagtaping dahil nami-miss na rin niya ang mga kasama sa sitcom na sina Marian Rivera, Lovi Poe, Rochelle Pangilinan, Paolo Contis, Benjie Paraz, Onyok Velasco atbp na napapanood every Sunday evening sa GMA 7.

Sa Tuesday, kung walang magiging aberya ay baka dumating si Manny sa taping ng SMDM na ginagawa sa bagong building ng GMA 7.

Sigurado na malaking celebration ang magaganap sa pagsulpot ni Manny sa taping dahil bukod sa pagkakapanalo ng sitcom na Best Comedy Show ay nagwagi rin siya sa laban kay Antonio Margarito sa Las Vegas.

***

Aywan kung bakit kailangan pag-usapan si Iya Villania samantalang wala pa naman itong napapatunayan magmula nang pasukin ang showbiz.

Natural na pag-interesan siya ng mga barako ngayon dahil nagpose ng seksi sa isang calendar. Kailangan niyang magpaseksi dahil kundi ay wala talagang magkakainteres sa kanya.

Anyway, maganda at seksi naman si Iya pero hanggang saan ang itatagal nito sa showbiz ganoon may boyfriend na itong pumipigil sa kanyang gagawin matapos magpa-seksi sa isang pictorial.

Well, dapat siguro ay sungaban kaagad ni Iya kung anumang project ang ipagkakatiwala sa kanya ng Dos dahil oras na mabantilawan ito ay magiging freeze nang tuluyan ang kanyang showbiz career.

****

Muli sa ikatlong pagkakataon ay hindi umubra ang gustong mangyari ng ABS CBN na mabigyan ng TRO ang show ni Willie Revillame sa TV5 na Willing Willie.

Last Tuesday nagharap ang dalawang panig sa Makati Regional Trial Court at muling ibinasura ang TRO sa show ng controversial TV host.

Isang oras at kalahati ang itinagal ng hearing na nagsimula ng alas-diyes ng umaga at natapos ng alas-onse y medya ng umaga.

Dagsa ang mga libo-libong tagahanga ni Willie Boy sa Makati para suportahan ang kanilang iniidolo. Dahil sa dami ay may nabiktima nang pandurukot.

Ang biktima ay mga kapatid natin sa panulat at maging ang TV crew ng TV5 ay nadukutan ng cellphone habang kinukunan raw ng footages ang nagaganap na hearing sa Makati.

Grabe talaga itong mandurukot. Walang sinasanto at tinitingnan na lugar.Basta kung saan maraming tao at nagkakagulo sila lumilitaw para makapagbiktima ng mananakawan.

Dapat siguro ay maging mabagsik na ang batas. Kapag may nahuling magnanakaw ay putulin ang mga kamay at sa mga rapist naman ay putol t…

Anyway, hindi natapos ang hearing at walang ibinigay na TRO sa show ni Willie. Magkakaroon pa uli ng hearing sa Thursday at Friday.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply