Jennylyn Mercado malakas ang laban sa best actress sa MMFF Awards Night

MALINAW na naipaliwanag ni Direk Maryo J delos Reyes ang kanyang basehan kung bakit pabor siya kung ang mananalo ng Best Actress Award ay si Jennylyn Mercado sa very effective nitong pagganap bilang bidang babae sa Rosario sa MMFF Awards Night.

Inamin nitong bituin niya si Jennyln sa ‘My Little Star’ ng GMA-7 at bilib siya sa acting prowess ng aktres sa nasabing haponseye pero nilinaw nito na hindi ito ang dahilan para gusto nito ang aktres na manalo ng acting award.

Ayon kay direk Maryo, sa pagpili ng pinakamagaling na aktres ay dapat sa pelikulang drama ito kukunin dahil sa ganitong genre maipapalabas lahat ang iba’t ibang klase ng emosyon ng isang artista kompara kung magkokomedi ka o magmyu-musical ka.  Nag-iisang pelikulang drama ang Rosario kaya malakas ang kutob nitong si Jennylny na nga ang mag-bring the bacon home sa darating na awards night.

Masaya si Direk Maryo J sa obra ni Albert Martinez at tiniyak nitong panoorin ang pelikula dahil isa sa mga rason ay kasama sa cast ang kanyang alaga na si Yul Servo na ang papel ay dapat ginampanan ni Albert ito sa first stage production dalawang taon na ang nakalipas.  Sa ganda ng cinematography ng Rosario batay sa trailer ay impress na siya at naniniwala siya pagdating sa acting department, lahat cream of the crop.  Naniniwala din siya na maraming mapapanalunang awards ang Rosario.

Naganap ang nasabing tsikahan sa set ng ‘My Little Star’ na kinunan sa Sampaguita Compound sa Quezon City noong Miyerkules.  Very nostalgic ang atmosphere sa amin ng dating sikat na lugar dahil nanumbalik sa amin ang Rosetik-Pepetik-Reketik days na in case di masakyan ng mga bagets, panahon ito ng Stars ’66 before the golden era of Nora Aunor.  Ang tinutukoy namin ay ang sikat na tandem nina Rosemarie Sonora, Pepito Rodriguez and the late Ricky Belmote.  How time flies, ang bilis, di ba, Ms Evelyn Diao? (Ganun?—ED)

Nasa set sina Jennylyn Mercado at Lovi Poe na ayon sa una, tuloy na tuloy ang kanilang pagho-Hongkong ni Dennis Trillo sa December 27 pagkatapos ng MMFF Awards Night.  Natawa lang ito nang sabihin namin na posibleng madadala na nito ang Best Actress awards sa Hongkong.

Nilinaw naman ni Lovi ang issue na inunahan nito si Madam Mary Grace Po-Llamanzares, the MTRCB Chairwoman sa pagiging presentor ng FPJ MemoriaL Award sa nakaraang FAMAS.  Hindi agad nag-react ang aktres na awardee of two Best Actress trophies nang itanong namin ito sa kanya.

Ang totoo, she’s not to be blamed sa naging outcome ng presententaion dahil pakiramdam nito ay kulang sa preparayson ang nasabing awards night.  Pakiramdam nito ay hindi nila alam na nominated siya sa Best Actress category at siya pa ang nanalo pero siya ang naatasan to present the award.

Inasmuch na nandoon pa siya sa stage nang tawagin ang winner ng FPJ Memorial Award naisip nitong tutulong siya sa pag-present ng nasabing award dahil isa rin naman siyang Poe. Well, poor sexy lady! Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply