Jessica Alfaro mahaharap sa patung-patong na kaso

MAHAHARAP sa patung-patong na kaso ang star witness sa Vizconde massacre na si Jessica Alfaro makaraang maabuswelto ang mga pinawalang-salang akusado sa naturang krimen.

Nabatid na inihahanda na ng mga dating suspek ang kaukulang kaso na maaaring isampa kay Alfaro.

Ayon kay si Atty. Jose Flaminiano, abogado ng ilan sa naabsweltong akusado, makikipag-ugnayan sila sa mga abogado ng iba pang naabswelto sa kaso para sa pagsusulong ng extradition case laban sa star witness matapos nilang mapag-alaman na naninirahan na ito sa Estados Unidos.

Ibinunyag ni Flaminiano na kabilang sa mga kasong isasampa nila kay Alfaro ang fabrication of evidence matapos lumabas sa desisyon ng Korte Suprema na hindi kapani-paniwala at walang kredibilidad ang mga naging pahayag nito sa paglilitis sa Vizconde massacre case.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply