Jobless na mister, nagpatiwakal

MAS minabuti ng isang mister na wakasan ang kanyang buhay ssa pamamagitan ng pagbibigti nang mabigong makahanap ng trabaho sa Malabon City, umaga ng Lunes.

Ang biktima na patay na nang matagpuan sa loob ng kanilang bahay ay nakilalang si Eduardo Macion, 52, ng Basilio St . , Brgy. Acacia ng nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Malabon City Police, dakong 7:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito ng kanyang misis na si Linda.

Napag-alaman pa na gumamit ang biktima ng isang nylon cord na itinali sa biga ng kanilang bahay habang ang kabilang dulo naman ay ipinulupot nito sa kanyang leeg.

Bago ang insidente ay nakitang madalas na malungkot ang biktima dahil problemado umano ito kung saan kukuha ng ipambubuhay sa kanyang pamilya dahil wala itong hanapbuhay.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy kung may naganap na foul play sa naturang insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply