John Lapus hindi nagpatalbog kay Marian Rivera

MAITUTURING  ng Regal Matriarch, Mother Lily Monteverde na isang lucky charm si John ‘Sweet’ Lapus sa mga Regal movie na nagawa nito.

Kaya very flattering kay John ang sinabi ni Mother Lily, bukod dito tuwang-tuwa ang comedian TV host.

FEEL NA FEEL ANG PAGIGING REGAL BABY

Nu’n pa man daw ay avid fan siya ng Regal movies. Ngayon kasama na siya na pinapanood sa naturang movie outfit at alam na niya ang feeling ng mga naging Regal babies tulad nina Snooky, Dina Bonnevie, Maricel Soriano at iba pa.

Kung halos lahat mga actress sa bakuran ng Regal Films ay pinasuot ng magic kamison, hindi nakaligtas si Sweet,  pinasuot din siya sa pelikulang “Super Inday and the Golden Bibe”, dinirek ni Mike Tuviera.

Yes, hindi lang ang bidang si Marian Rivera ang nagsuot nito kundi si Sweet din. Aniya, sa kababanat niya, di na ito magkasya sa ibang actress sa Regal. Kaya dapat aabangan ang scene na ito nito Sweet.

Sa  naturang official entry ng Regal Entertainment sa 2010 Metro Manila Film Festival sa darating na Kapaskuhan, isa siyang angel na pinarusahan. Babalik lang si Goldie sa langit kung gagawa siya ng kabutihan sa lupa.

Wala siyang power dito. Everytime na mangingitlog si Goldie, ang sinumang kakain ng itlog ay magkaroon ng power, isa si Super Inday ang kumain nito at kahit si Goldie, kung siya ang kakain wala itong epekto.

Paborito talaga si Sweet ni Mother Lily bukod sa lucky charm nito, mabait at professional pa ang magaling na komedyanteng TV host kaya bibigyan siya ni Mother Lily ng solo major starrer sa 2011.

Isang action-comedy movie. Kaya excited na si Sweet. Sa mga Christmas party, todo-diet ang byuti niya.

Bukod sa “Super Inday sand the Golden Bibe”, kasama rin si Sweet sa isa pang movie ng Regal para sa 2010 MMFF, ang “Shake, Rattle & Roll XII”.

Ayaw sabihin ni Sweet kung mamamatay siya sa  “SRR12” dahil sa last 3 series ng “SRR”, tsugi ang byuti niya. Una, sa “Kristmas Tree” episode, pangalawa sa “Aswang” at sa pangatlo sa episode na “Wedding Gown”. Sa “SRR12”, sa “Isla Engkanto” episode, na dinirek ni Topel Lee mamamatay kaya si Sweet kung saan, isang lalaki ang role niya?

TAPOS NA ANG PANGUNGUPAHAN NG BAHAY NI JOHN LAPUS

Samantala, sa apat na taon ni Sweet sa GMA-7 at naka-limang movies sa bakuran ng Regal, mayroon na itong sariling bahay  sa Proj. 8 Quezon

City. Limang kuwarto including servant’s quarter. Nais niyang lumipat dito bago mag-Pasko para lalong suwerte.

Sa loob ng limang taon, umuupa lang si Sweet kina direk Wennn Deramas.

Hanggang ngayon isa pa ring Star Magic talent si Sweet, na nangangalaga ng career niya thru movies, corporate shows, out of town/country shows, product  endorsements , etc. at dalawang taon nang hinahawakan ni Ricky Gallardo ang kanyang TV career.

Bakit walang soap opera si Sweet, maliban sa sitcom na “Show Me Da Manny”  sa GMA-7? Aniya,  back to back ang kanyang filmfest movie (Super Inday and the Golden Bibe at ang “Shake, Rattle & Roll 12”) dagdag pa ang “Temptation Island”.

Katuwang din ni Sweet sa “Super Inday…” si Pokwang kasama rin sui Jake Cuenca, habang ang tatlong bagong “horror princesses”  na sina Shaina Magdayao, Andi Eigenmann at Carla Abellana ang aalalayan niya sa trilogy na “SRR12”, sa direksyon nina Zoren Legaspi, Topel Lee at Jerold Tarrog.

And speaking of todo-diet ni Sweet, kinakailangan ito sa “Temptation Island” at sa movie na gagawin niya kasama sina Anne Curtis, Luis Manzano at Eugene Domingo sa Viva Films, entitled “Who’s That Girl?” Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply