Justice system, para raw sa malalaking tao anang arsobispo

PINULAAN ni Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang justice system sa bansa dahil inuuna raw nitong iresolba ang mga kaso ng maiimpluwensyang tao.

“Ito ang nakababahala sa ngayon. Bakit ang naaasikaso ng ating gobyerno…ay itong mga malalaking tao?” ani Cruz sa isang panayam sa Radio Veritas.

“And in the mean time, iyong mga dukha, walang kakayahan, walang pera, hindi makabayad ng mabuting abogado, sabi nga, they are rotten in jail,” dagdag pa ni Cruz.

Ang pahayag ay ginawa ni Cruz nitong Martes matapos na sunod-sunod na lumaya sa piitan ang mga kilala at maiimpluwensiyang tao.

Nakalaya ang grupo nina Hubert Webb kamakailan matapos silang ma-acquit ng Korte Suprema sa pagmasaker sa mga Vizconde.

Si dating military comptroller at retired Major Gen. Carlos Garcia na inakusahan naman ng plunder ay nakalaya rin sa pamamagitan ng isang plea bargain deal sa Office of the Ombudsman na inaprubahan ng Sandiganbayan.

Bahagi ng deal ang pagsasauli ni Garcia sa gobyerno ng bahagi ng nakulimbat niyang yaman mula sa military.

Ang pangatlo ay si Senador Antonio Trillanes IV na inakusahan na nanguna sa pagpapabagsak ng admnistrasyong Arroyo noong 2003 ay pinalaya sa pamamagitan ng presidential amnesty mula kay Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Cruz, di niya minamasama ang mabilis na pagproseso ng paglaya ng nasabing malalaking tao. Ngunit dapat ay ganun din daw ang pagtrato sa kaso ng maliliit na tao.

“Paano ang mga maliliit na tao na dumukot ng kaunti, nakipag-away ng kaunti, o kaya ay may kaunting atraso… Ito ang mga hindi napapansin,” aniya.

Halimbawa, si Gen. Garcia…sinabi na yong daw halos kalahati ng pera na kanyang kinuha na hindi kanya ay ibabalik sa gobyerno. Aba’y pwede ba yon? Magnanakaw ako ng magnanakaw, tapos sasabihin ko sa gobyerno, sayo na ang kalahati at saken naman ang kalahati, then, goodbye! Ano ba yun?” ani Cruz.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply