Kalaban ni Donaire, nawasak ang ilong

ISINAILALIM kahapon sa agarang operasyon sa ospital si dating WBA bantamweight champion Vladimir Sidorenko ng Ukraine matapos na mawasak at mabasag ang kanyang ilong sanhi ng napakalalakas na suntok na pinatama ni two-time world champion Nonito Donaire Jr.

Isinailalim agad sa x-ray si Sidorenko at ayon sa resulta, durog na durog ang buto nito sa ilong at nangangailangan ng isang matinding constructive operation.

Tatlong beses na pinabagsak ni Donaire Jr. ang kalaban at noong nasa ika-apat ay tuluyan nang tumulo ang dugo mula sa ilong ni Sidorenko at ipinahinto na ang laban.

Una rito, nangako si Donaire na isang statement ang kanyang ipakikita para maging karapat-dapat siyang makalaban ni bantamweight champion Fernando Montiel.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply