Kalayaan sa bilangguan at plea bargaining sa nakaw na yaman

ANG sarap talagang lumaya mula sa bilangguan.

Kahit sinong bilanggo ang iyong tatanungin, walang kasingsarap at kasing-saya ang paglaya mula sa bilangguan.

Sa loob kasi ng kulungan, naririyan ang bigat ng pag-iisip kung bakit ka ibinilanggo.

Lalo na kung sa palagay mo ay wala ka namang nagawang kasalanan sa
iba.

At kung may nagawa ka man, para naman sa iba, sa nakararami, kahit na labag sa kasalukuyang batas.

Naririyan din ang alaala ukol sa mga pamilya: sa asawa, sa mga anak, sa iba pang mga minamahal sa buhay.

Kaya nga, kapag lumaya ka na, parang makadadarama ka ng langit sa tuwa.

Tiyak na daig mo sa tuwa ang ibong nakalalaya sa isang kulungan.

Sapagkat ang kalayaan para sa tao ay higit na may kahulugan kaysa sa nadadarama ng ibong nakalalaya sa isang hawla.

Marahil, ito ang nadadarama ng Morong 43, nina Sen. Trillanes at iba pang lumaya sa paniniwalang hindi sila dapat na ipinabibilanggo.

oOo

Pero meron ding mga lumalaya na hindi masaya.

Sapagkat may dala-dala silang pabigat: ang malinaw o intensyonal na pagkakasala na dapat sana nilang pagdusahan sa loob ng kulungan ayon
sa tadhana ng batas.

At lumaya lamang sila sa maniobra o sa bisa ng batas subalit kuwestiyonable sa tingin ng iba.

Por eksampol, Suki, yung mga magnanakaw sa pamahalaan.

Lalo na ang mga nagnanakaw ng mga malalaking halaga at ang kaparusahan ay habambuhay o 40 anyos na pagkabilanggo.

Kapag lumaya sila dahil sa pagsasauli ng kalahati ng kanilang ninakaw, kinokonsiyensiya sila. Yan ay kung meron sila nito.

Kahit na daanin pa nila sa plea bargaining o pag-amin ng magaan na krimen ang kanilang paglaya.

O idaan nila ang kalayaan sa pagpapaupo ng mga piskal at huwes na mag-uusig at magpapalaya sa kanila.

Yung iba, paglaya nila sa kulungan, kaliwa’t kanan ang kanilang lingon habang naglalakad sa mga lansangan sa kababantay ng resbak ng kanilang mga nasaktan o nanakawan.

May halong lungkot ang kanilang saya sa paglaya.

oOo

Nga pala, maganda na ring nagsalita si DILG Sek. Jesse Robredo ukol sa malungkot na kalagayan ng daan-daang munisipyo.

Kaya pala wala nang magawa kundi tumunganga ang mga mayor at iba pang opisyal ng bayan sa 600 na munisipyo kung may sunog sa kanila ay dahil sa kawalan pala nila ng firetruck.

Tumawag man sila ng tulong mula sa iba, wala rin dahil ang kanilang kapit-munisipyo ay wala ring bumbero. Kung may bumbero man, wala ring magawa ang mga ito kundi tumunganga rin.

Walang firetruck, peryud.

Talaga namang maganda ang pagsasalita ni Robredo dahil binubuksan nito ang mala-impiyerno na katotohanan.

Sabi niya, P3 bilyon ang kailangan para magkaroon ng firetruck ang 600 munisipyo at magkaroon ng uniporme, boots at palakol ang mga bumbero.

Sino-sino kaya sa mga kongresman ang maglalagay ng kongresyonal insersiyon sa badyet para sa pangangailangan ng mga
bumbero?

Pero iwasan naman nila ang 20% na tongpats para makumpleto ang pamatay-sunog na para naman kay Juan. Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply