Kampanya laban sa Piccolo pinaigting; torotot bawal na rin

DAHIL sa paglobo ng mga biktima ng paputok bago pa man sumapit ang Bagong Taon, labis na nababahala ang Department of Health (DOH) na tumaas pa ito hanggang sa Enero 1, 2011.

Muling umapela ang ahensiya sa publiko partikular sa mga magulang, kasambahay, at iba pang miyembro ng pamilya na bantayan ang mga anak at alaga na huwag gumamit ng Piccolo, isang uri ng mapanganib na paputok para maging ligtas ang pagsalubong sa Bagong Taon.

“There is still time to remind everybody on the dangers of exploding firecrackers/fireworks. I am calling on parents and caregivers, as well, not to let their children handle Piccolo and other seemingly harmless firecrackers. Let us all welcome the New Year without injury,” ayon kay Health Secretary Enrique Ona sa paglulunsad ng giyera laban sa pagbebenta ng Piccolo.

“Kasi instead na masaya ay papasukan lang ng isang aksidente na makakaapekto hindi lang sa kanilang anak o kaibigan kundi sa kanilang buong pamilya,” dagdag pa nito.

Kasabay nito nagbabala din sa publiko si Ona laban sa paggamit ng torotot na inaakalang mas ligtas na gamitin sa paglikha ng ingay kesa sa paputok.  Dalawang bata aniya mula sa Maynila ang naiulat na isinugod sa ospital dahil nakalulon ng pito (whistle) ng torotot.  Hindi naman nilinaw kung ano ang kundisyon ng mga bata.

Sa pinakahuling Kampanya Kontra Paputok Surveillance (KKPS) kahapon naitala ng DOH ang 48 porsiyento ng kabuuang 173 fireworks related injuries. Anim ang biktima ng ligaw na bala at 5 ang nakalunok ng pulbura at Watusi.

Ayon sa DOH, sa naiulat na 73 kaso, 12 porsiyentong mas mababa ito kumpara noong 2009.  Ang National Capital Region ang may pinakamaraming naiulat na kaso (80), sinundan ng Central Luzon (15) at Western Visayas (12).

Base sa KKPS, nasa edad  mula 1 hanggang 10 ang pinakaapektadong grupo na biktima ng paputok kabilang ang 140 mga lalaki.  “Majority (107/162) were active users or directly handled firecrackers. There were no deaths reported.”

Sa 6 na biktima ng ligaw na bala,  nasa edad 11-29, lima dito ay mga lalaki.  Tatlo dito ay naganap sa kanilang tahanan at walang naiulat na namatay.

Sa 5 naman na nakalunok ng paputok, 3 dito ay sanhi ng Piccolo, kapwa batang lalaki.  Ang mga kaso nito ay nasa edad 1-44.  Isa ang naiulat na namatay.

Ang pangunahing mga paputok na bumiktima sa bata at matanda ay Piccolo (83), Kuwitis (15), Five Star (13), Whistle Bomb at Boga (8) at Triangle (7).

“If we do not stop the sale of piccolo, we expect about a thousand casualties or more until January 1,” giit pa ni Ona.

Nilinaw pa ng kalihim na muling nauuso ang Boga na napatunayang mapanganib din.  Nagbabala si Ona na posibleng tumaas din ang bilang ng biktima nito kung patuloy na kukunsintihin ang paggamit.

Mga ipinagbabawal na paputok

Patuloy na ipinagbabawal ng Philippine National Police (PNP) ang mga paputok na ipinagbawal noon pang  2007:  Lolo Thunder; Super Lolo; Bawang (malalaki); Pla-pla; Watusi; Kwiton; Giant Whistle; Judas Belt (large); Og; at Atomic Bomb.

Ipinag-utos din ng DOH sa Department of Trade and Industry (DTI) na tuluyang ipatupad ang pagbabawal na magbenta sa mga bata ng mga paputok kasama ang Watusi.

Sa isang radio interview, sinabi ni Dr. Lyndon Lee Suy, program manager for merging and re-emerging infectious diseases, sa pamamagitan nito, malilimitahan ang mga bata sa paggamit ng mapanganib na paputok.

Mahalaga aniya na malimitahan o ilayo ang mga bata sa paputok dahil ginagamit ito ng ilang kabataan sa suicide o pagpapakamatay.

Aminado si Lee Suy na sadyang napakahirap na ipatupad ang age limit sa pagbabawal sa pagbebenta ng paputok.  Wala aniya itong ipinagkaiba sa pagbebenta ng sigarilyo sa mga menor de edad.

Kamakailan aniya, naitala ng DOH na lumulon ng pulbura ng Piccolo ang isang 44-gulang na babae sa tangkang pagpapakamatay.  Kusa naman aniyang isinusubo ng mga bata ang Watusi habang pinaglalaruan ito. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply