Kampanya ng judges vs budget slash magpapatuloy

MAGPAPATULOY ang isinasagawang protesta ng Philippine Judges Association (PJA) at Metropolitan and City Judges Association of the Philippines hanggat hindi pa kumikilos ang kongreso sa apelang taasan ang budget ng hudikatura.

Ang budget proposal para sa hudikatura na P23.8 bilyon ay tinapyasan ng kongreso at ginawa na lamang na P14.3 bilyon.

Nagsimula ang symbolic protest ng dalawang grupo nitong Lunes. Malamang na tumagal pa ito kung di mapagbigyan ng kongreso ang kanilang hiling, ayon kay PJA president Judge Antonio Eugenio.

Sinabi ni Eugenio na tuwing Lunes ay magsusuot ang mga hukom at court employees sa buong bansa ng itim na t-shirt bilang protesta sa pagtapyas sa pondo ng hudikatura.

Aniya, sakaling hindi sila pakinggan ng kongreso, mag-iisip ang mga hukom ng panibagong hakbang na gagawin.

Kaugnay nito, idinepensa ni Eugenio ang hindi nila pagkonsulta sa Korte Suprema ukol sa kanilang protesta.

Aniya, noong Biyernes lamang napagkasunduan ang paglulunsad ng nationwide protest kung kaya’t kapos ang panahon para makipag-ugnayan pa sila sa high tribunal hinggil dito. Teresa Tavares

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply