Kampo ng NPA nakubkob ng militar sa Cagayan

NAKUBKOB ng militar ang kampo ng New People’s Army (NPA) kung saan sila nagsasagawa ng kanilang training camp, matapos ang isinagawang operasyon sa Cagayan Valley.

Ayon kay 17th Infantry Batallion Lieutenant Commander Lawrence Mina, nakuha ng militar ang  tatlong ektaryang kampo ng mga rebelde sa Barangay Balanni sa bayan ng Sto. Niño sa tulong ng mga residente.

Dagdag ni Mina, ang kampo ang nagsilbing training camp ng Danilo Ben Command kung saan ilang kagamitan sa paggawa ng improvised explosive device (IED) at landmine ang narekober.

Kaugnay nito, nagawa naman ng may 20 rebelde na sunugin ang heavy equipment ng Master Conglomeration sa Barangay Pateng, Gonzaga, Cagayan bago mag alas otso kagabi matapos itali ang dalawang security guards at tangayin ang baril ng mga ito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply