Kasaysayan ng Pasko (Part 1)

ALAM ‘nyo ba na ang petsang Disyembre 25 ay hindi isang “Christian holiday” noon?

Mahaba ang paliwanag  sa kasaysayan ng Pasko ng anak kong si Anton na bata pa ay mahilig nang magtanong at alamin ang kasaysayan ng mga bagay-bagay  lalu na ang kasaysayan ng mga tradisyon.  Heto ang sinulat ni Anton sa kanyang research paper hinggil sa kasaysayan ng Pasko.

“Bago pa nagkaroon ng relihiyong Kristyano, itinuring na “Pagan holiday” ang ngayo’y Araw ng Pasko.

“Paano nga ba ito nagbago?

“Noong unang panahon, ang mga pagano ay sumasamba sa maraming bagay tulad ng mga puno dahil ang turing nila dito ay diyos. Tuwing Disyembre 25, ginugunita ng mga pagano ang tinatawag na “Winter Solstice” o ang araw na mas mahaba ang gabi kaysa araw.

“Sa araw rin na ito ginugunita ng mga ibang relihiyon ang kani-kanilang selebrasyon tulad ng “Sol Invictus” o ang selebrasyon ng Diyos na Araw o Sol ng mga Romano. Ang “Saturnalia” naman ang araw ng selebrasyon ni Saturn, isang ring Romanong diyos.

“Marami pang selebrasyon na kinuha ang mga Kristyano sa mga pagano para gawing Araw ng Pasko. Sa mga ito, ang Winter Solstice at Saturnalia ang pinakamalapit sa tradisyon ng Paskong  alam natin ngayon, tulad ng pagbibigay ng mga regalo, paglalagay ng palamuti sa Christmas tree at pagsasabit ng mga parol.

“Ang Sol Invictus naman ay ginawang  “Araw ni Hesus” ng mga Kristyano.

“Noong panahon ng pagiging emperor ni Constantine ng Roma, ginawa niyang pangunahing relihiyon ang Kristyanismo sa Roma, na noon ay isang paganong emperyo.. Isang pagano si Constantine na naging Kristyano para magpasalamat sa Diyos sa kanyang pagkapanalo sa mga giyera sa Roma at Istanbul, Turkey, na sakop noon ng emperyong Romano.

“Ginawa ni Constantine na pagsamahin ang selebrasyon ng mga pagano at Kristyano tuwing Disyembre 25 at ito ang naging Araw ng Pasko.

“Naging kontrobersyal ang ginawang ito ni Constantine dahil marami pa ring pagano sa Roma at Istanbul na hindi agad tinanggap ang Kristyanismo. Ang mga Kristyano naman ay tinaggap ito at ginawang opisyal na selebrasyon ang Pasko bilang kapanganakan ni Hesus noong Middle Ages.

“Kung iisipin, kahit noon, may nangyayaring hidwaan  sa pagde-desisyon ng Simbahan at estado”.

Isang simbolo ng Pasko ay ang imahe ni Santa Claus. Si Santa Claus ay isang matabang lalaki na nakasuot ng pula at pinaniniwalaang nakatira sa malamig na lugar, tulad ng Antartica, at gumagawa ng listahan ng mga bibigyan niya ng regalo tulad ng mga batang mababait. Paniniwalaan din na si Santa Claus ay ang bagong imahe ni Hesus matapos siyang mamatay. Pero, maraming mga Kristyano ang hindi sumang-ayon dito.

Ang orihinal na Santa Claus ay, pinaniniwalaang, galing sa Scandinavia o ang bahagi ng Yuropa na kinabibilangan ng Norway, Finland, Denmark, Holland, at Sweden. Dito nagsimula ang kwento tungkol kay Santa Claus. Sinasabi ng mga alamat na si Santa Claus ay isang santo na gustong-gusto magbigay ng mga regalo sa mga mababait na mga bata. Kinuha naman ng mga taga-Yuropa ang kwentong ito para ikwento sa mga bata.

At dahil sa pagpa-pasa-pasa ng kuwento ni Santa Claus, nagkaroon ng iba’t-ibang interpretasyon tungkol sa buhay niya. Naging isang “folklore” ang kwento niya hanggang sa naging simbolo siya ng Pasko, susunod sa imahe ng kapanganakan ni Hesu Kristo. Ang totoong pinanggalingan ni Santa Claus ay isang totoong santo ng Simbahan, si Santo Nicolas, na nagbigay ng mga regalo sa mga bata para hindi sila mawalay ng landas.

Sa panahon ngayon, binabatikos ng Simbahan ang pag-“idolize” kay “Santa Claus” at sinasabi nila na dapat nating alalahanin na ang tunay na kahulugan ng Pasko ay ang kapanganakan ni Hesus. Pero, dapat din tandaan ng Simbahan na ang Araw ng Pasko ay hindi talaga isang tunay na Kristyanong selebrasyon noong unang panahon. Liza Maza

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply