Anti-Tagalog case sa California, didinggin na

SISIMULAN na ang pagdinig sa Enero 18, 2011 ng kasong kinasasakangkutan ng may 52 Filipino-American health employees na umano’y pinagbawalang magsalita ng sariling wika sa kanilang pinagtatrabahuhang kumpanya sa California.

Ayon sa isang ulat, humingi umano ng jury trial sa Eastern District Court of California ang mga nasabing Pilipino laban sa Central California Foundation for Health na kumakatawan sa Delano Regional Medical Center (DRMC) at Delano Health Associates, dahilan sa diumano’y paglabag nito sa Title VII ng US Civil Rights Act of 1964.

Ang nasabing bahagi ng batas ay nagbabawal sa employment discrimination “on the basis of color, religion, sex, or national origin.”

Ayon sa mga complainant na kinakatawan ng United States Equal Employment Opportunity Commission, pinagbawalan sila ng nasabing kumpanya na magsalita ng Tagalog at iba pang Filipino languages.

Ngunit ang pagbabawal na ito ay di naman umano ginawa ng kumpanya sa ibang mga nagtatrabaho roon na nagsasalita ng Espanyol o Hindi.

Ayon pa sa mga complainant, simula August 2006 sinailalim na ng defendants ang mga Pilipino sa “humiliating meeting wherein they were berated, intimidated and threatened.”

Ayon pa rin sa mga Filipino, sumailalim daw sila sa “heightened scrutiny, threats of surveillance equipment in the workplace, warnings of severe disciplinary actions and, in some cases, actual disciplinary measures”

Ngunit di naman daw ganito ang ginawa ng defendant sa iba pang empleyado sa kumpanya.

“(It) did not target the non-Filipino employees for such strict enforcement of its language policy” nor “heightened scrutiny, threats, warnings and disciplinary actions.”

Ayon pa sa isang ulat, inihayag ng dalawa sa complainant ang diumano’y di-pantay na pagtrato sa kanila sa DRMC.

“DRMC’s actions made us feel humiliated, isolated, and unvalued as employees. Many of us, including myself, had worked hard for DRMC for ten or twenty years. Despite our loyalty and years of service, we were shocked that DRMC singled out Filipino-American workers and blatantly discriminated against us,” ani Wilma Lamug, isang lisensyadong vocational nurse sa DRMC na sampung taon nang nagtatrabaho roon.

Si Elnora Cayme, isa ring licensed vocational nurse at respiratory therapist na nagtatrabaho sa DRMC sa nakaraang 27 taon ay napaiyak sa sama ng loob at sinabing, “I have lived in Delano since I immigrated to the States in 1978 with my parents and siblings. DRMC is our community hospital. A majority of the hospital’s staff was made up of Filipino health care professionals. I don’t know why they treated us so unjustly, even if we were all so loyal and devoted to our jobs.”

Ang pagdinig sa kaso ay gagawin sa ganap na alas-nuwebe ng umaga ng Enero 18 sa sala ni Judge Jennifer L. Thurston.

Ilan sa mga Pilipinong complainant ay kinilalang sina: Rebecca Aguinaldo; Pacita Agustin; Maria Busto; Herminia Carino; Nora Casimiro; Hilda Ducusin; Consolacion Galafate,; Luz Gallegos; Wilma Lamug; Vemlis Pagsuberon; Priscilla Penalosa; Federico Quiniones; at Sixto Ramos.

Ang iba pa ay sina: Vilma Tutop; Romeo Villamor; Ferdinand Baraceros; Ednalyn Arciaga; Sol Manaois; Maribelle Manankil; Evangeline Picato; Arsenia Ringor; Michelle Cabbab; Angelita Baligad; Patricia Serafica; Erlinda Camtuya; Tomasa Gumallaoi; Manuela Aninion; Anafe Escorpiso; Elnora Cayme; Charito Bilog; Elizabeth Batchar; Joselito Munoz; Belen Cabbab; at Calixto Lamugand.

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply