Katarungan laban sa mga Ampatuan

HINDI lang sa Maguindanao Massacre dapat pananagutin ang mga Ampatuan.

Dapat na pananagutin din sila sa paglustay ng salaping bayan o pagkakaroon ng mga nakaw na yaman habang sila’y nasa puwesto sa halos isang dekada nilang paghahari sa Maguindanao at sa Autonomous Region of Muslim Mindanao.

Kaugnay ito, mga Bro, ng isinasagawang audit ng kayamanan nina dating Governor Andal Ampatuan at mga anak niyang sina dating ARMM Gov. Zaldy at Datu Unsay, Maguindanao Mayor Andal, Jr.

Nakapiit ang mag-aama sa pagkakasangkot umano ng mga ito sa massacre ng 57-58 katao sa Maguindanao, kabilang na ang 33 kapatid natin sa propesyon.

oOo

Ayon kay Gov. Ismael ‘Toto’ Mangudadatu, tinatayang nasa P2 bilyon na pinaniniwalaang galing sa internal revenue allotment para sa taong 2008-2009 ang ino-audit ng Commission on Audit.

Pero para lamang umano sa Maguindanao ito at para lamang din sa taong 2008-2009.

Yun bang—hindi pa kasama rito ang mga halagang para sa mga taong 2001-2008 at ang salaping para mismo sa ARMM at iba pang bayan.

Balak na ring isama ng COA na i-audit ang lahat ng mga mansion, palasyo at iba pang ari-arian ng mga Ampatuan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang na ang Metro Manila.

Ang sabi ni Gov. Toto, balak nitong i-convert ang mga makukumpiskang ari-arian ng mga Ampatuan sa negosyo upang mapakinabangan nang todo ng mga taga-Maguindanao ang mga ito.

Para sa mga development project, edukasyon, kalusugan at iba pang kapaki-pakinabang para sa mga taga-Maguindanao.

Napakaganda, mga Bro, ang mga balakin ni Gov at sana’y magtagumpay siya.

Kaya lang, tiyak namang daraan sa butas ng karayom ang pangungumpiska sa mga ari-arian na pinaniniwalaang nakaw na yaman. Napakahirap yatang imadyinin na deka-kada ang inaabot ng kaso sa Ombudsman gaya nito.

Hindi ka pa makasisiguro na papabor sa katarungan ang resolusyon dito.

Baka naman kung  wala na sa poder si Gov, eh, ni isang kaso ay wala pang nalulutas. Isang hamon ito, mga Bro, sa Ombudsman at mga hukuman.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply