Kauna-unahang Pinay na naging Senador sa Guam, dumating sa Pinas

DUMATING kaninang umaga ang ang kauna-unahang Pilipinang senador sa Guam Legislature kung saan bibisitahin niya ang kanyang pinagmulan bago ang kaniyang pormal na panunumpa sa katungkulan sa Enero 2011.

Kasama ng kaniyang mga magulang, dumating kaninang umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)Terminal 2 si Senator Shirley Mabini na mas kilala sa tawag na “Ate Sam Mabini”.

Ayon kay Mabini, mas pinili niyang mag-Pasko sa Pilipinas dahil wala aniyang katulad ang pagdiriwang nito sa bansa lalo na sa mga probinsya.

Babalik aniya siya ng Guam bago mag-Enero para sa pormal na inagurasyon.

Kabilang sa mga inaasahang isusulong ni Mabini bilang senador ng Guam, na isang teritoryo ng Estados Unidos, ang pagbuo ng mas matibay na proteksyon sa mga empleyadong Pinoy sa kanilang lugar.

Sa kasaysayan ng Guam at Amerika, si Mabini ang kauna-unahang Pinay na may titulong senador bagama’t may mga nanalo na dating lalaking Fil-Am na senador.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply