Khan, Mijares wagi!

SINIKWAT ng sparmate ni Manny Pacquiao na si WBA super lightweight champion Amir Khan (24-1, 17 KOs) ang twelve round win laban kay WBA interim super lightweight titleholder Marcos Maidana (29-2, 27 KOs) kahapon sa Mandalay Bay Events Center sa Las Vegas.

Pinabagsak ni Khan si Maidana sa pamamagitan ng sapak sa bodega sa round one bago pinarusahan sa round two ngunit nakaganti si Maidana hanggang sa mga sumunod pang rounds.

Nakaltasan si Maidana ng puntos ni referee Joe Cortez matapos tamaan ng siko sa round five si Khan.

Sa lightweight clash, nauwi sa draw ang laban nina WBA #1/WBC #5/IBF #3/WBO #1 Victor Ortiz (28-2-2, 22 KOs) at WBA #4/IBF #6/WBO #9 Lamont Peterson (28-1-1, 14 KOs) habang si welterweight Joan Guzman (31-1, 18 KOs) ay dinomina si Jason Davis (11-8-1, 3 KOs) bago sinungkit ang second round TKO matapos sumuko ang korner ng kalaban.

Samantala, inagawan ng korona ni WBC/WBA champion Cristian Mijares (41-6-2, 18 KOs) si IBF super flyweight champion Alberto ‘Topo’ Rosas (32-6, 26 KOs) matapos sumungkit ng twelve round unanimous decision sa kanilang bakbakan sa Auditorio Municipal sa Coahuila, Mexico. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply