Klitschko vs Chisora, kanselado na!

HINDI na matutuloy ang nakatakdang  pagdepensa ni WBO/IBF/IBO heavyweight champion Wladimir Klitschko ng kanyang korona laban kay Dereck Chisora sa Linggo sa Mannheim, Germany.

Ito ay matapos magkaroon ng pinsala sa masel sa tiyan si Klitschko kung saan umaabot sa dalawang pulgada ang umano’y sugat sa nasabing parte ng kanyang katawan.

“The abdominal muscle is injured and therefore Wladimir Klitschko will not be able to fight on Saturday,” pahayag ni Dr. Sven Roessing, orthopedic specialist sa university hospital ng Mannheim, Germany.

Dahil sa pangyayaring ito, kinailangan pang magpahinga ni Klitschko ng apat hanggang anim na linggo bago tuluyang gumaling ang kanyang injury.Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply