Klitschko vs Haye tuloy na

TULOY na ang laban ni WBA heavyweight champion David Haye kay Wladimir Klitschko sa susunod na taon.

Payag na umano si Haye sa 50:50 na hatian sa kikitain ng laban para sa unification clash nila ni Klitschko na kasalukuyang WBO/IBF world heavyweight champion.

Samantala, humihingi ang kampo ni Klitschko ng hanggang January 4 para pag-aralan ang terms sa unification clash.

Ngunit sinabi ng trainer at manager ni Haye na si Adam Booth na lahat ng mga balakid noong nakaraang negosasyon ay winaglit na.

“We are now perfectly positioned to get together and make this fight with Wladimir Klitschko,” wika ni Booth. “We have sorted out all the old problems and disagreements and are ready to sign the deal both (Klitschko’s manager) Bernd Boente and I discussed on Sky Sports’ Ringside show in November.”

Diaz magbabalik next year
SASABOG na sa Chicago ang “Windy City Fight Night” professional boxing series sa New Year.

Lalaban umano si dating WBC lightweight champion David Diaz (35-3-1, 17 KOs) na tinalo ni Manny Pacquiao via KO.

Tampok sa main event si Diaz sa card na sisipa sa January 28th sa UIC Pavilion.

Tampok din umano sina light heavyweight prospect Andrzej “The Polish Prince” Fonfara (15-2, 6 KOs), welterweight “King” Carlos Molina (17-4, 5 KOs), welterweight Achour Esho (9-0, 6 KOs), junior welterweight Aslanbek Kozaev (13-0, 5 KOs) at welterweight Anton Novikov (18-0, 6 KOs).

Hindi pa binabanggit kung sino ang makakalaban ni Diaz ngunit wala na umanong atrasan sa nasabing card. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply