Kris Aquino, ginawang ‘extra’ si James Yap sa Dalaw

HABANG  tinitipa itong kolum namin ay kukunan pa ang eksena ni James Yap sa pelikulang Dalaw, official movie entry ni Kris Aquino sa Metro Manila Film Festival 2010.  Naghahabol ang production ng oras para masumite sa deadline of submission ang pelikula.  Nataong wala si Diether Ocampo sa bansa kaya kailangan kumuha ng ‘doble’ para sa aktor.

Agad naisip ng aktres ang dyowang si James Yap dahil ang eksenang kukunan ay nakatalikod lamang ang bidang lalaki.  Kaysa makipagyakapan sa iba, ang kanyang dyowa na  nakasanayan na nitong kayakap ang kanyang kinuha at para hindi magselos si Bimby.

Sa interbyu kay James ay halatang ninerbiyos ito sa pagsabing magkatulad sila ng likod ni Diether na very broad kaya siya ang napili.  Nilinaw nito na wala siyang talent fee na tatanggapin at kung ibabase ito sa naging pahayag ni Kris na kailangan gawin  ng basketbolista ang eksena dahil kung ano man ang kikitain dito ay para ito sa kanilang anak.

Niliwanag din nito na ito ang kanyang unang pag-arte pero hindi ito magiging daan para pasukin ang showbiz dahil siya ay isang basketball player.

Very cool siya sa pagsagot na hindi dahil yakapan ang eksena ay daan din ito ng kanilang pagbabalikan.

Speaking of Dalaw, gumanap dito si Ms Gina Pareno ng mahalagang papel, yung karakter na nagtataglay ng third eye.       Inamin ni Kris na personal niyang choice ang magaling na aktres. Aniya, “I only asked for Tita Gina, that’s my specific request.  Noong binasa ko ‘yung script, I asked the role of Olga to be lengthen because I want to work with Tita Gina. I feel na she brings out the best in me.  Mahal siya and she’s worth every centavo.”

Aside from Diether Ocampo who played the husband of Kris and Karylle who is said to have shown a great revelation in her role as the main villainess, the presence of Ms Gina, Alessandra de Rossi and Ina Feleo ay masasabing sorrounded siya ng ‘the best of the indie world.’

Kasama rin dito si Empress minus the Schuck sa kanyang pangalan na ayon kay Kris ay hindi lamang maganda kundi a joy to work with dahil sa  kahusayan sa pag-arte.

Speaking of Empress, pati pagkanta ay pinasok na nito at naka-book na siya sa mga provincial show hanggang 2011.   Sa Pebrero 5, makakasama niya si Matt Evans sa Sounds & Rhythm,  isang pre-Valentine show na gaganapin sa Tagum College Gymnasium University of Mindanao, Tagum City, Davao.  This is produced by Galaxy Entertainment & Productions Services na pag-aari nina Paul B. Zhuang at Ralph Briz in cooperation with Villa Rico Briz Residences. Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply