Kris, masyado nang kilala ni Diether para makarelasyon

DUMATING last Saturday si Allan K, from Dubai kung saan ginawa ang Comedy Bar with Eugene Domingo.

Dalawang show ang ginawa nina Allan at Eugene sa naturang bansa at pawang blockbuster kung ihahambing sa pelikula ang show nila doon.

Sa dami ay halos nakatayo na lang ang iba pero lahat ay nag-enjoy sa katatawa sa mga pinaggagawa nina Allan na nagse-celebrate ng kanyang kaarawan last Saturday.

Kaya naman sa Comedy Bar yesterday ay kinantahan at pinasaya siya ng mga kasama sa pangunguna nina Eugene, Fabio Ide, Beergins Girls at guest sa show.
Ngayon naman sa Eat Bulaga ay kakantahan din siya ng Eat barkada para i-selebrate ang kanyang kaarawan.

Anong sopresa kaya ang inihanda sa kanya ng Eat barkada.?

Anyway, wala nang mahihiling pa si Allan sa tagumpay na tinatamasa sa buhay. Siya ang taong matulungin sa mga nangangailangan at handang bigyan ng pagkakataon ang mga nangangarap na maging stand-up comedian.

Nagdaan kasi sa hirap si Allan kaya alam niya ang nararamdaman at dinadanas ng isang tao gipit.

Natatandaan namin ng ikuwento niya ang unang pagyapak niya sa Manila. Dahil probinsiyano at walang kamalay-malay sa mga sindikato nagkalat sa pier, ninakaw ang dala niyang bagahe kasama na ang kaunting pera naipon.

Nagpakalat sa kalsada. Pero dahil sa talagang may talent sa pagkanta at pagpapatawa ay nabigyan siya ng break sa isang comedy bar.

Naungusan pa niya ang tao nagbigay sa kanya ng break pero naging mapagkumbaba pa rin siya hanggang sa ngayon.

Kaya naman bilang ganti sa mga suwerteng dinanas ay ibinabalik niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay pagkakataon sa mga nangarap mag-show sa comedy bar.

Siyanga pala mapapanood ang dalawang show nila sa Dubai sa Christmas at New Year episode ng Comedy Bar na napapanood every Saturday sa GMA 7.
***

Sa presscon ng “Dalaw” ay tinanong si Kris Aquino tungkol sa leading man niyang si Diether Ocampo. Pareho kasi silang loveless ngayon ni Diet kaya hindi napigilan ng ilang press na kumustahin ang pagtatambal nila sa movie.

Minsan kasing naitsika ni Kris na napapag-usapan nila ni Diet ang mga qualities na gusto nila sa susunod na makakarelasyon.

“Gusto niya ng shared goal, shared vision and a desire to give back to the community and the promise of fidelity and support. Sabi ko, “Diyos ko Diet, ang lalim. Ang gusto ko lang ay manood ng sine once a week at kumain sa labas every other week.

“Maganda naman ang naging working relationship namin. I think to the point na pati ang mga anak ko naging komportable sa kanya. May kissing scene kami ni Diet sa movie dahil mag-asawa kami dito. I asked Bimby (anak nila ni James Yap), sabi ko, `Bimby, are you mad at Mama kissed ko Tito Diet?” Sabi niya, `No mom, because it`s only taping.Tapos sabi ni Josh (anak ni Kris kay Philip Salvador), `Basta Mama, not in real life. So sabi ko, okey.

“I feel that we have excellent chemistry, I feel na his looks and my looks complement each other and I also feel he game such an excellent performance. Na-renew yung friendship namin. We`re close now but I think he knows me too well to want to have a relationship with me,” mahabang tsika ni Kris.
***

Kahit anong busy ni Chris Tiu ay sinisiguro nito na mabigyan ng oras ang hosting jobs niya sa GMA 7 at QTV 11, tulad ng Ripley`s Believe It Or Not” every Sunday, 8:10 to 8:45pm sa QTV 11, na nagbibigay ng educational knowledge sa mga viewers at ang Hanep Buhay with Love Anover sa GMA 7.

Marami offer na movie kay Chris pero magalang niya itong tinatanggihan dahil ang forte niya bukod sa paglalaro ng basketball ay pagho-host at ayaw niyang umarte sa harap ng camera.

***

Masaya ang Christmas ni Jolina Magdangal ngayon dahil nandiyan ang kanyang boyfriend na si Mark Escueta na twice na niyang nakakasama tuwing Pasko.

Anong plano nila ni Mark ngayon Christmas?

“Kasi this month, maraming gigs ang banda niya. Ako rin naman, may mga raket din ako. Kaya wala kaming ginagawang plano ni Mark. Baka maunsyami lang. Drama namin ngayon ay `live for the moment’  Kung ano ang mangyari sa araw na ito or sa mga susunod pang araw, yun ang bigay ni Lord sa amin ni Mark. Kung ano ang dumating, pasasalamatan naming dalawa,” pahayag ni Jolens.

Last Christmas ay ipinakilala ni Mark si Jolens sa pamilya nito at ganoon din si Jolens. Kaya masasabi raw ni Jolens na this Christmas ang pinakamasayang Pasko niya.

Next year sisimulan na ni Jolens ang kanyang bagong album under Viva Record at tutulungan siya ng boyfriend na si Mark para makabuo sila ng magandang concept sa album na ilu-launch soon sa Party Pilipinas . Gerry Ocampo

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply