Kris, Ted Failon, walang relasyon!

PAREHONG itinanggi nina Kris Aquino at Ted Failon ang tsikang mayroon silang relasyon.

Pero teka lang — medyo may naalala yata akong pagkatapos namatay ng asawa ni Ted, lumabas na agad ang usapang iyan.

Namatay lang nga agad ang isyu.

As expected, at tulad din noong mga naunang isyu, itinanggi ito ni TV anchor Ted Failon. Aba, wala pang isang taong namamatay ang asawa niya! Ni hindi pa sila nakakapagbabang luksa!

Sabi nga ni TV host/actress Kris A, close friends lang sila. Ganoon din ang sabi ni Ted. What do you expect?

Pero we heard na niyaya ni Kris si Ted na maka-date sa premire night ng kaniyang pelikulang Dalaw. Hintayin na lang natin kung magkakadalawan nga ang dalawa sa mga susunod na araw.

Shalani nililigawan ni Willie

Marami raw ang mga nanliligaw ngayon kay Valenzuela City Councilor Shalani Soledad at isa na rito ang co-host na si Willie Revillame.

Obvious namang sobra ang pag-aalala ni Willie sa napakagandang konsehala sa kanilang daily show na Willing Willie.

Kumpirmado ni Mrs. Baby Soledad, tiyahin ng konsehala na nagpalaki sa kanya, na two weeks na nga nanliligaw si Willie sa kaniyang pamangkin.

Noong Wednesday night, sabi ni Willie sa national TV, alam daw niyang hindi siya bagay sa konsehala dahil sa kanyang nakaraan. Sagot naman ni Shalani, sa pag-ibig raw, lahat ay pantay-pantay or words to that effect.

Tsika ni Aling Baby, nagsimula ang closeness ng dalawa nang mag-outing sila sakay sa yate ni Willie. Pagkatapos raw noon, madalas na ang TV host sa kanilang bahay. In other words, nanunuyo sa dating syota ni PNoy si Pareng Willie (Hindi po kami magkumpare,  hehehe!).

Pero wala pa raw mqalinaw na sagot ang konsehala. Kumbaga, nakabitin pa sa bingit ng alanganin si Willie, kaya malabong malabo ang tismis na magpapakasal si Shalani kay Willie. Hindi pa nga raw sinasagot ng konsehala si Willie Revillame, ano! Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply