Kulang tayo sa dasal kaya tayo minamalas?

MAY napansin lang tayo nitong nakaraang mga linggo at araw.

Bukod sa pagtaas ng presyo ng langis at bilihin, sumisirit din ang presyo ng kuryente, tubig at kung ano-ano pa.

Kung magdemanda ka naman, baka kung saan pupulutin yan. Manalo ka man sa Regional Trial Court at Court of Appeals, hindi ka naman makasisiguro sa Korte Suprema.

Baka makarinig ka pa ng salita mula sa mga Diyos diyan na kaya ka natalo ay hindi nakaya ng iyong ebidensiya ang powers ng  iyong idinedemanda.

Hindi sinasabi ng Hukuman, sabi nila, guilty or not ang iyong idinemanda kundi kinapos ka lang talaga ng pagpapatunay na nagkasala o mali ang iyong idinemanda. Pagkatapos sasabihin sa iyo, meron nang double jeopardy o hindi na pupuwedeng idemanda muli ang mga napawalang-sala na.

Haaay, nakaloloko, mga Bro, ang katarungan.

Anyway, mga Bro, balik sa topic. Grabe na talaga ang buhay, para bang nalulunod ka na nga, eh, may maglalagay pa ng tali sa iyong leeg na may malaking tipak ng bato para tuluyan ka nang malunod.

Balik tayo uli sa mga pinaggagawa ng mga hukuman.

Anak ng 300 putakte, simula raw sa Enero 2011, magtataas na talaga ang South Luzon Expressway ng toll  sa nasa 300 porsiyento. Isang bahagi ng SLEX ang tinutukoy natin, mga Bro.

Sasabay ding magtaas ng toll ang iba pang mga highway. Yang pagtataas ng SLEX ay binendisyunan ng Hukuman.

Siguradong milyon ang maghihirap dahil sa 300% toll hike na yan. Hindi lang ang mga operator at drayber ng mga pampublikong sasakyan ang malulunod sa mataas na toll kundi maging ang mga pribadong motorista,
biyahero ng mga pagkain at iba pang kalakal.

oOo

Maalaala ko, mga Bro, bakit nga ba naging P12 bilyon ang orihinal na P6B na badyet para sa SLEX na yan?

Kung ako lang ang Korte Suprema, kabilang sa mga iuutos ko ang pag-iimbestiga kung bakit nagdoble ang
halaga ng proyekto na nagtulak ng 300% toll hike.

Pero saan ba talaga tayo nagkukulang at minamalas tayo nang husto? Kulang na kulang tayo sa dasal sa Panginoon? Patawad po, babawi kami ngayong Simbang Gabi. Hehehe.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply