Kuliglig dapat alisin sa mga pangunahing daan

NAGKAGULO kahapon sa may city hall ng Maynila dahil sa pagbabawal ng pamahalaan ni Mayor Fred Lim sa mga kuliglig na bumiyahe sa mga pangunahing lansangan ng lungsod.

Inayawan ng mga kuliglig operator at driver ang kondisyon at ipinilit nilang pupuwede silang bumiyahe kahit saang lansangan sa lungsod dahil karapatan umano nila ang mabuhay.

Nang hindi magkasundo ang pamahalaang lungsod at ang mga magkukuliglig, nagkaroon ng mga batuhan,  paluan at bombahan ng tubig at teargasan na ikinasugat ng mga pulis at raliyesta. Makaraan ito, lahat ng mga naiwang kuliglig ay dinurog o kinumpiska ng mga awtoridad.

Para sa atin, karapatan nga ng mga magkukuliglig ang maghanapbuhay pero dapat nilang respetuhin ang kapangyarihan ng pamahalaan na kontrolin sila para hindi naman maperhuwisyo ang iba.

Tingnan ninyo, Suki.

Kung saan-saan sumisingit ang mga ito at wala sa lugar kung naglalakbay sila.

Yun bang === mahihilig ang mga ito na mag-counterflow, umokupa sa gitna at overtaking lane.

Walang ilaw na head light, signal light, stop light o anomang palatandaan na nasa kalsada sila lalo na sa gabi. Wala ring respeto ang mga ito sa mga traffic light at walang insurance.

Mahilig na magnakaw ang mga ito ng puwesto sa mga kanto-kanto o mula sa mga haligi ng mga LRT at sa arangkadahan ayon sa traffic light, maraming kasong sangkot ang mga ito sa banggaan.

Matatapang ang ilang driver dito dahil ipinagmamalaki nilang mga pulis ang kanilang mga operator.

At ginagawa na nilang parking lot ang maraming kalsada para magsikip ang trapiko gaya sa likod ng SM Manila mismo sa likuran ng Manila city hall.

Lahat ng ito, Suki, ay kaalaman at karanasan araw-araw ng lahat ng mga motorista na naiirita na sa mga kuliglig.

Bagama’t may nasisiyahan gaya ng mga nagiging suki na pasahero, higit na nakararami ang hindi nagkakagusto sa paglipana ng mga ito.

Dahil sa kawalan ng insurance at traffic safety gadgets, pagiging abusado at kawalan ng paggalang sa mga batas sa trapiko ng mga kuliglig, higit na perhuwisyo ang dulot ng mga ito kaysa pakinabang o kabutihan.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply