Kumpirmasyon ng DOT chief, naudlot

NAUDLOT ang kumpirmasyon ni Tourism Secretary Alberto Lim dahil kinapos sa panahon ang Commission on Appointment sa deliberasyon nito.

Ayon kay Rep. Rex “Gatchalian, chairman ng komite, masyadong maikli ang panahon na inilaan sa deliberasyon kaya’t hindi nagawang makapagtanong ng ilang miyembro kay Lim.

Itinakda ang susunod na pagdinig sa Disyembre 14.

“It is unfortunate that the time allotted for his hearing was too short,” ani Gatchalian.

Natuklasan sa komite na matagal nang kalahok ang kalihim sa pagpapaunlad ng industriya ng turismo sa bansa na nagsimula noong 1980.

Noong 1991, kabilang si Lim sa pagpapaunlad ng Amanpulo Resort sa Pamalican Islang, Cuyo, Palawan.

Naitalaga din siyang presidente ng Ten Knots Development Corp., ang may-ari at operator ng El Nido Resorts sa Palawan.

“Bilang kalahok sa turismo, nararamdaman ko din ang pagkadismaya ng karamihan sa industriya hinggil sa mabagal na paglago,” ani Lim.

Aniya, ang Pilipinas ang unang bansa sa Southeast Asia ang nakapagtala ng isang milyong turista noong 1980.

“Umabot pa sa 27 taon bago natin marating ang tatlong-milyong marka. Ngunit, namamayagpag na ang ating mga kapitbahay sa ASEAN na nakaungos na sa atin,” paliwanag ni Lim. Ernie Reyes

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply