Lacierda ‘walang alam’ sa debt issues – Joker

HABANG tumatagal ay umiinit ang bangayan sa pagitan nina Sen. Joker Arroyo at presidential spokesman Edwin Lacierda.

Binuweltahan ni Arroyo si Lacierda, na inilarawan ng senador na walang alam hinggil sa debt repudiation at debt cap.

Aniya, dapat matutunan muna ni Lacierda ang pakahulugan ng debt repudiation at debt cap bago siya magpasaring sa senador patungkol sa mga nagawa nito nang manungkulan ang huli bilang executive secretary ni yumaong Pangulong Corazon Aquino.

“Debt repudiation ang isyu noon at hindi debt cap,” ayon kay Arroyo.

Naunang binanatan ni Lacierda ang senador nang sabihin nitong takot ang mambabatas sa sarili nitong multo dahil noong executive secretary pa siya ay ibinasura rin ang debt cap tulad ng ginawa ni Pangulong Benigno Aquino III ngayon.

Sa national budget na kamakailang nilagdaan ng kasalukuyang pangulo, tinutulan niya ang probisyong nagbibigay-kapangyarihan sa Kamara upang magtakda ng hangganan ng pangungutang ng gobyerno na di dapat lumampas ng 55 porsiyento ng gross domestic product (GDP).

Ngunit sinabi ni Arroyo na wala siyang kinatatakutan, bagkus si Lacierda ang dapat matakot sa pagiging “student council” umano ng kasalukuyang administrasyon.

“Dapat ikatakot niya ang multo na pagiging student council na pamahalaan na mapanganib ang mga records,” giit ni Arroyo.

Ani Arroyo, dapat pag-isipang mabuti ng administrasyong Aquino ang bawat ipinalalabas nitong kautusan, lalo pa’t ilang beses nang ibinasura ng Korte Suprema ang mga executive order ng Pangulo, partikuklar na ang pabuo sa Truth Commission.

Aniya pa, wala naman pinagkaiba si Aquino sa kanyang predecessor na si Gloria Macapagal-Arroyo dahil pareho silang matakaw pagdating sa pangungutang.

“Presidents Noynoy and GMA are no different when it comes to borrowing money. They think alike. Both presidents vetoed exactly the same limitations imposed by the 14th Congress and the present 15th Congress on PNoy…both presidents do not want to limit their borrowing power,” ani Sen. Arroyo. Ernie Reyes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply