Jessie Robredo, protektor nga ba ni Sen. Lacson?

MAAARI umanong pinoproteksyunan ni Interior and Local Government Secretary Jessie Robredo si Panfilo Lacson matapos na tangggalin nito ang P2 milyong reward na nakapatong sa ulo ng senador.

Ito ang paniniwala ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng testigong si dating P/Supt.Cesar Mancao.

Sa lingguhang news forum na tinawag na “Balitaan sa Tinapayan” sa Bustillos, Sampaloc, Manila, sinabi ni Topacio na hindi niya maintindihan ang idinadahilan ni Robredo na manganganib ang buhay ng taong magtuturo kung nasaan si Lacson.

Anang abogado, impormasyon lang naman ang ibibigay ng magtuturo kay Lacson at di naman ito ang huhuli sa senador.

Nahaharap si Lacson sa two counts of murder kaugnay sa pagpatay kina publicist Salvador “Bubby” Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito noong November 2000.

Sabi pa ni Topacio, kung hindi ibabalik ang patong sa ulo ni Lacson, mananawagan ang kanyang kampo sa Volunteers Against Crime and Corruption na magpasimuno ng fund raising upang makalikom ng P2 milyong bounty.

Kinuwestiyon din ni Topacio ang sinseridad ng National Bureau of Investigation (NBI) sa paghuli kay Lacson.

Dating boss ni NBI Director Magtanggol Gatdula si Lacson noong pinamumunuan pa ng huli ang Philippine National Police at Presidential Anti-Organized Crime Task Force sa panahon ng Estrada administration.

Samantala, pinuri naman ni Topacio ang di pagpayag ni Justice Secretary Leila de Lima na magkaroon muli ng re-investigation sa kaso ni Lacson. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply