Lacson suportado ni Honasan

SINUPORTAHAN ni Sen. Gregorio “Gringo” Honasan ang pahayag ni Sen. Panfilo Lacson sa paghahanap ng hustisya at paghingi na muling maibestigahan ang Dacer-Corbito case.

Ayon sa panayam kay Honasan, magsasampa siya ng isang resolusyon na nagpapahayag na dapat ikonsidera ng Department of Justice (DoJ) ang kahilingan na maimbestigahan muli ang kanyang kaso.

“Come Monday, I will consult the Senate leadership for the possibility of a resolution expressing the sense of the Senate. There is inter-department courtesy and we do not want to be perceived as pressuring the courts, the DOJ or the executive branch just because Lacson is our colleague,”ayon pa kay Honasan sa kanyang panayam sa dwIZ.

Si Honasan at Lacson ay parehong nasa Philippine Military Academy Class of 1971.

Dagdag pa ni Honasan na ikokonsulta niya ito sa mga Senate officials tulad nina Senate President Juan Ponce Enrile, Majority Leader Vicente Sotto III, President Pro Tempore Jose “Jinggoy” Estrada, at Minority Leader Alan Peter Cayetano.

Nangangamba kami sa ganitong sitwasyon… walang mangyayari rito. Baka lang malagay lalo sa alanganin si Sen. Lacson at mawala ang konsepto natin ng due process,” dagdag pa nito.

Matatandaang nagbigay ng pahayag si Lacson noong Huwebes na kamatayan lamang at hustisya ang magpapalantad sa kanya.  Kung saan nakiusap ito sa DoJ na muling maimbestigahan ang kanyang kaso.

Nangangamba naman si Honasan na kung sakaling lumantad si Lacson, maaaring manganib ang kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya ngunit kailangan din naman siyang lumantad upang madepensahan ang kanyang sarili at lumabas ang katotohanan.

“We his classmates are worried about the danger to his safety and so is his family. But we in the Senate also want him to come out and defend himself against the charges,” dagdag pa ni Honasan.

“We will consider passing the resolution before Christmas or before the New Year. The deadlock cannot stay like this. So long as the deadlock exists, neither the DOJ nor Sen. Lacson’s goals in this case will be met.”

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply