Lady traffic enforcers dadagdagan

BUNSOD ng paparating na Kapaskuhan, dadagdagan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga lady traffic enforcer.

Ayon kay LTO Traffic Enforcement Director Edgar Cabase, sinasanay na ang kanilang mga lady traffic enforcer na may dating 25 na bilang, ngayon ay magiging 50 na ang ipakakalat sa lansangan.

Dagdag pa ni Cabase, hindi lamang tuwing araw ng Miyerkules makikita ang lady traffic enforcers kundi tatlong beses na kada linggo.

Nilinaw naman ni Cabase na walang  karagdagang suweldo ang mga lady traffic enforcers dahil kusang-loob nila itong ginagawa bilang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply