Lakers nilambat ang Nets

MISTULANG nilambat ng Los Angeles Lakers ang New Jersey Nets kaya hindi ito nakaporma nang durugin ng una sa iskor na 99-92.

Pinangunahan ni Kobe Bryant ang puwersa ng Lakers sa pagkamada ng 32 points habang sina Pau Gasol at Lamar Odom ang nanguna sa puwersa nila sa ilalim.

”I thought we did a better job of spreading it out and making the better pass down the stretch,” wika ni Bryant. “We can’t just stand around and wait. We have to cut and move the ball. We were moving the ball better and got the win. We have to move and take advantage of what they give us.”

Samantala, pinangunahan ni Amare Stoudemire ang panalo ng New York Knicks laban sa Denver Nuggets 129-125 habang si Tim Duncan ay rumatsada sa panig ng San Antonio Spurs nang gibain ang Portland Trail Blazers, 95-78.

Kasabay nito, nabigo na naman ang Cleveland Cavaliers nang payukuin ng Oklahoma City Thunder 106-77 habang ang Philadelphia Sixers ay pinitpit ang New Orleans Hornets sa iskor na 88-70 dahilan upang maiposte ang ikalimang panalo nila sa pitong laro. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply